Pelikula nina Maine at Carlo million views na ang trailer

September 19, 2019
Maine Mendoza and Carlo Aquino
Maine Mendoza and Carlo Aquino

MAGANDA ang reception sa online teaser ng “Isa Pa, with Feelings” movie nina Carlo Aquino at Maine Mendoza dahil agad itong nakakuha ng 2.5 million views sa Twitter in 24 hours matapos itong i-upload last Monday, September 16.  At kung gaano kaganda ang reception ng netizens sa first team-up nina Carlo at Maine sa teaser ng movie, sana’y ma-translate ito sa box office dahil ito ngayon ang inaabangan ng marami kung kaya nitong habulin ang record na naitala ng “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Para kina Carlo at Maine ay ginawa umano nila ang makakaya nila para mapaganda ang movie at ang mga manonood na ang bahalang humusga.