Pelikula with Vic nasa bucket list ni Coco

December 12, 2018
Vic Sotto, Maine Mendoza and Coco Martin
Vic Sotto, Maine Mendoza and Coco Martin

HINDI hadlang kina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza ang kanilang TV network affiliation para maging posible ang kanilang pagsasama-sama sa isang grand movie project sa pamamagitan ng upcoming Metro Manila Film Festival movie na “Jack Em Popoy: The Pulis Credibles” na dinirek ni Mike Tuviera for M-Zet Productions, APT Entertainment at CCM Productions, tatlong magkakaibang film productions na magkakahiwalay na pag-aari nina Vic Sotto, Tony Tuviera at ni Coco Martin mismo.

Although identified sina Vic at Maine sa GMA  dahil sa kinabibilangan nilang programa, ang “Eat Bulaga” at “Daddy’s Gurl” na parehong napapanood sa Kapuso Network, walang exclusive TV network contract sina Bossing (Vic) at Maine kaya malaya silang gumawa ng movie project with any film outfit.

Dream come true na maituturing ang pagsasanib-puwersa nina Vic, Coco at Maine dahil walang mag-iisip na posible itong mangyari.  Kahit si Maine mismo ay hindi makapaniwala na makakatrabaho niya ang Primetime King ng ABS-CBN na si Coco na pangarap na makapareha na bawat lead actress.

Kahit si Vic ay hindi rin inisip na magkakatrabaho sila ni Coco in a movie pero nasa bucket list na pala ni Coco noon pa man dahil big fan umano siya ng ace comedian since he was kid.

“Halos lahat ng MMFF movies ni Bossing (Vic) ay napanood ko at ng pamilya ko,” pag-amin ni Coco during the presscon of their movie nina Bossing at Maine.