Pelikulang May-December affair nina Anne at Edu isasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino

May 30, 2019
Anne Curtis
Anne Curtis

MALAMANG na isali ng Viva Films ang pelikulang “Just A Stranger” nina Anne Curtis, Marco Gumabao at Edu Manzano mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana sa darating na ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pet project ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ng chairman na si Liza Dino-Esguerra.

Ang dalawang naunang PPP (2017 and 2018) ng Viva Films ay parehong nanguna sa takilya ang magkasunod na entry na mula rin sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana, ang “100 Tula Para Kay Estela” at “The Day After Valentine’s” na parehong tinampukan nina Bela Padilla at JC Santos.

Sa ganda umano ng pagkakagawa ng pelikulang “Just A Stranger” na kuwento ng isang May-December affair ay malamang na ito rin ang manguna sa takilya.  

Some scenes of the movie ay kinunan pa sa Lisbon, Portugal.

Pareho namang excited sina Anne at Marco sa kanilang first team-up.

Samantala, ang tatlo sa official entries sa PPP include “Panti Sisters” na tatampukan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario; “LSS (Last Song Syndrome)” na pinagbibidahan ng magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos kasama si Tuesday Vargas at ang bandang Ben&Ben mula sa direksiyon ni Jade Castro at ang pangatlo ay ang “Cuddle Weather” na pinamamahalaan ni Rod Marmol.

Ang ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino ay nakatakdang ganapin on Sepember 13-19,2019 na itataon sa centennial celebration ng Philipine Cinema.

Ang week-long filmfest ay magpapalabas nationwide ng official entries ng PPP.