Philippine representative sa Miss Intercontinental, nanalo agad

January 11, 2019
Karen Gallman
Karen Gallman

DAPAT sana ay sa Japan gaganapin ang ika-47th Miss Intercontinenal beauty pageant pero dahil sa nalalapit na paghu-host ng nasabing bansa ng Olympic Games, wala nang makuhang venue ang local frachise holder in Japan na si  Joanna Leonisa Gimema Miyamae, CEO ng Miss Intercontinental Japan with her daughter, ang  Miss Intercontinental Japan COO na si Kumi Miyamae. Kaya, nag-desisyon ang mag-ina na sa Pilipinas na ito gawin na may basbas ng Miss Intercontinental Organization (MIO) CEO na si Detlef Tursies.

Si  Joanna Leonisa ay isang Filipina businesswoman married to a Japanese national making her daughter Kumi a Fil-Jap.

In partnership with the Department of Trade and Industry (DTI), the 47th Miss Intercontinental was formally launched in October 2018 na ginanap sa Conrad Hotel.

Last Thursday (January 10) afternoon, more than 60 candidates from all over the world were presented to the media na ginanap sa Visayas Ballroom ng Sofitel Philippine Plaza, ang official residence ng mga kandidata.  'Di pa dumarating ang iba from the total 87 candidates, pero walang alinlangan na stand-out ang kinatawan ng Pilipinas na si Karen Gallman. Dalawang special awards agad ang nakuha ni Karen, ang Darling of the Press at Standout Beauty Award mula sa isa sa official sponsors ng pageant, ang H&H na may kalakip na $1,000 cash prize.

Although ang Pilipinas ang host country, hindi malayong si Karen ang makakuha ng crown dahil mamumukod-tangi ang kanyang ganda, ang kanyang kasuotan (isang modern Filipiniana dress), at ang kanyang lakad sa runway.

Halos lahat ng mga kandidata ng Miss Intercontinental ay ini-idolo ang current Miss Universe na si Catriona Gray at ilan sa kanila ay pinipilit gayahin ang kanyang pinasikat na `lava walk.’

Ang ika-47th Miss Intercontinental beauty pageant na unang gaganapin sa Pilipinas ay sasalihan ng 87 candidates from around the globe.  Ang coronation night will be held at the  Mall of Asia Arena on January 26, 2019 which will have a delayed telecast on ABS-CBN the following day, sa umaga ng January 27 bago ang “ASAP Natin `To.”

Ang pre-pageants schedule after the media launch last Thursday afternoon sa Visayas Ballroom ng Sofitel Philippine Plaza ay sisimulan sa Swimsuit at Philippines Designer’s Evening Gown fashion show on January 16 (Wednesday) na gaganapin sa ballroom ng Okada Manila.  Ito’y susundan the following day, January 17 (Thursday) ng Evening Gown Competition at Philippine Designer’s Filipiniana Fashion Show sa Grand Ballroom ng Okada Manila and on January 19 (Saturday) ay gaganapin naman ang National Costume Competition  sa The Garden ng Okada Manila.

Samantala, hindi kaya nagtataka ang Department of Tourism na pinamumunuan ni Sec. Berna Romulo-Puyat kung bakit hindi sa kanyang departamento nakipag-alyansa ang Miss Intercontinental Organization (MIO) at  Miss Intercontinental Japan (MIJ) considering na ito’y makakatulong sa turismo ng Pilipinas?  Ang local partner ng MIO at MIJ ay ang Department of Trade and Industry (DTI) na pinamumunuan ni Sec. Ramon M. Lopez.

Kung matatandaan, si Sec. Puyat ang umayaw na dito sa Pilipinas ganapin ang 2018 Miss Universe dahil katatapos lang nung 2017 na maging host country ng Pilipinas with businessman-politician and former Ilocos Sur Governor Chavit Singson financing the event.