Home>Entertainment>Showbiz>Pia, Liza umalma sa desisyon ni PRRD

Pia, Liza umalma sa desisyon ni PRRD

Pia Wurztbach

PINAKITA ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurztbach at ng young actress na si Liza Soberano ang kanilang pagkadismasya sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na pumatay sa transgender na si Jeffrey `Jennifer’ Laude sa isang motel sa Olongapo City nung October 11, 2014.

Liza Soberano
Liza Soberano

Although matagal na kaalyansa ng Pilipinas ang America, kakaiba naman ang naging kaso ng Amerikanong si Pemberton dahil nakapatay ito ng tao.

Pino-process na umano ang mga dokumento sa paglaya ni Pemberton na inalmahan din ng marami laluna ang LGBT community.

‘Di pagkakatuloy ng show ni Kris, pulitika nga ba?

MUKHANG hindi na matutuloy ang TV comeback ng tinaguriang Queen of Media na si Kris Aquino na dapat sana’y magsisimula una nung July 25 the na-move sa buwan ng August. Pero nagtapos ang buwan ng August pero hindi naka-take off ang bagong magazine talk show ni Kris na may pamagat na “Love Life with Kris Aquino” na nakatakda sanang mapanood sa TV5 produced ng isang blocktime producer. Pero ang latest ay hindi na umano matutuloy ang nasabing bagong TV show ni Kris dahil umatras na umano ang producer.

Kung tutuusin, hindi dapat issue kay Kris ang producer ng kanyang show dahil kaya naman niya itong gawin kung nanaisin niya sa tulong ng kanyang bagong management company, ang Cornerstone Entertainment.

Dapat siguro si Kris na ang mag-produce ng sarili niyang talk show para meron siyang free hand sa produksiyon at sa content ng kanyang programa.

TV5 is currently open sa mga blocktime producers. Pero hindi kaya pulitika ang tunay na dahilan?

Luchi nanibago sa format ng show

HINDI ikinakaila ng award-winning broadcast journalist at head ng News and Public Affairs ng TV5 na si Luchi Cruz-Valdes na kakaiba ang kanyang bagong programa na pinamagatang “Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes,” kung saan mga kilalang showbiz personalities ang kanyang nakakapanayam one-one-one na kanyang sinimulan kay KC Concepcion last August 22, Saturday na sinundan ni Alessandra de Rossi. Ayon kay Luchi, meron na siyang 12 materials at kasama na rito ang kanyang exclusive interviews with “Eat Bulaga” veteran host na si Vic Sotto and Divine Diva Zsa Zsa Padilla.

During the virtual presscon ng “Usapang Real Life with Luchi Cruz,” inamin ng veteran broadcast journalist na malaking challenge sa kanya ang bagong hosting job dahil sanay umano siya sa hardcore delivery of news at pagi-interview sa mga political figures. Pero sa URL ay kailangan umano niyang mag-tone down.

A self-confessed Vilmanian (Vilma Santos-Recto) and a K-drama follower, inamin ni Luchi na bago siya humarap sa isang one-on-one interview ay nagri-research siya sa personalidad na kanyang makakapanayam. She also read a lot about showbiz news para updated din umano siya sa mga kaganapan sa showbiz.

Samantala, inamin ni Luchi that she was near death in 2018 when she had an open heart surgery and was in the ICU for three months and had five other procedures. Nagkaroon din ng health issues ang kanyang husband na si Lito Valdes. She’s a born-again Christian.

Si Luchi ay Communications graduate sa University of the Philippines at nagsimula siyang radio ang TV field reporter in 1986 ng ABC (American Broadcast Company) pero nang muling magbukas ang ABS-CBN in 1986 sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino, kinuha siya ng veteran journalist-host-producer na si Cheche Lazaro para maging bahagi ng “The Probe Team,” isang documentary and investigative program.

Bago ang kanyang present job bilang head ng News and Public Affairs ng TV5, si Luchi ay nagsimula sa RPN-9, ABS-CBN at GMA.

Samantala, ang “Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes” ay napapanood every Saturday, 9 p.m. sa TV5.

Ka Tunying ‘di lilipat kung ‘di nawalan ng trabaho

KLINARO ni Anthony `Ka Tunying’ Taberna na hindi tamang sabihin na basta na lamang sila lumipat mula ABS-CBN ng kanyang kumbachero na si Gerry Baja ng “Dos por Dos” tandem sa DZRH. Nawalan sila ng trabaho sa ABS-CBN kaya kailangan nilang maghanap ng ibang mapapasukan.

Ayon kay Anthony, pareho umano silang nakatanggap ng memo ni Gerry na tinatapos na ang kanilang serbisyo ng August 31, 2020.

Ayon kay Anthony, 23 years siya sa ABS-CBN habang 25 years naman si Gerry. Tumagal naman ng 17 years ang kanilang tambalan sa Teleradyo, ang “Dos por Dos”.

Inamin ni Anthony na nung 2010 ay nakatanggap sila ng magandang offer mula sa TV5 pero hindi niya ito tinanggap. Ayaw niyang iwanan ang ABS-CBN kung saan siya nag-grow bilang isang radio and TV journalist at host.

Kaya kung sinabi umano ng pamunuan ng ABS-CBN na siya’y mamalagi sa network ay hindi umano sila aalis.

“Nawalan po kami ng trabaho kaya kami naghanap (ng trabaho,)” paglilinaw ni Ka Tunying.

Nagkataon naman daw na dumating ang alok ng DZRH.

Ayon kay Anthony, una nilang ipinagpaalam sa station manager ng DZMM na si Mara ang titulong “Dos por Dos” sa DZRH pero hindi raw ito pumayag. Ang ginawa ni Anthony ay sumulat umano siya sa Intellectual Property Rights (IPO) para itanong kung naka-rehistro ang “Dos por Dos” at na-discover niyang hindi kaya agad niya ipina-rehistro ang pangalan o brand.

Gayunman, bilang respeto sa head ng News & Current Affairs ng ABS-CBN na si Ging Reyes ay ipinagpaalam din ito ni Anthony. Hiningan umano si Gerry ng letter ni Ging at personal niyang kinausap ang top bosses ng ABS-CBN na sina Mark Lopez at Carlo Katigbak na pumayag naman. Ging, in return, emailed Anthony na magagamit na nila ni Gerry ang “Dos pos Dos” sa kanilang bagong tahanan, ang DZRH.

Sina Anthony at Gerry ay nagsimula sa kanilang bagong daily program sa DZRH last August 31, 5 p.m. to 6:30 p.m.

Ted official nang lumipat sa TV5

SAMANTALA, kinumpirma ng news chief ng TV5 na si Luchi Cruz-Valdes na nasa kanila na ang veteran radio and TV anchor at commentator na si Ted Failon at malapit na itong mapakinggan sa Radyo5.

Si Ted ay 30 taong nagsilbi sa ABS-CBN bilang radio anchor and commentator and TV anchor/ host ng programang “Failon Ngayon” at “TV Patrol” at iba pang mga programa.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)