Pia at Marlon kumpirmadong hiwalay na

December 06, 2019
Pia Wurtzbach and Marlon Stockinger
Pia Wurtzbach and Marlon Stockinger

BAGO ang napabalitang break-up recently  nina Pia Wurtzbach and her boyfriend of almost three years, ang car racer na si Marlon Stockinger ay marami na ang nakapansin na hindi na madalas makitang magkasama ang dalawa sa mga lakaran at hindi na rin gaanong nababanggit ng 2015 Miss Universe ang nobyo sa mga usapan.  Yun pala ay may problema na ang kanilang relasyon na sinasabing on and off diumano.  Sa ika-30th birthday ni Pia last September 24 ay wala na rin sila ni Marlon pero nito lamang na-confirm ang paghihiwalay ng dalawa.

Bagong naging kasintahan ni Pia si Marlon ay naging kasintahan niya sandali ang Russian-American internet celebrity doctor na si Mikhail Varshavski na nakilala niya in New York, USA where she stayed for one year during her reign as Miss Universe in 2015 to 2016 kasunod ang football player na si Misagh Bahadora na hindi rin nagtagal.

Magmula nang pasukin ni Pia ang showbiz hanggang sa kanyang pagiging Miss Universe ay naka-ilang palit na rin siya ng boyfriend na nagsimula sa Kapuso actor na si Benjamin Alvez in 2014.  Na-link din siya noon kay dating Pangulong Noynoy Aquino in 2015 kasunod ang ex-boyfriend ni Angel Locsin, ang Fil-British football player na si Phil Younghusband na may asawa na ngayon.

Si Marlon ang pinakamatagal na naging kasintahan ni Pia na inakala ng marami na mauuwi sa altar.

There was also a time na-link si Pia kay Gerald Anderson nung ginagawa pa nila ang pelikulang “My Perfect You” in 2018.  Ito umano ang naging sanhi ng unang hiwalayan last year nina Gerald at ex-girlfriend na nito ngayon na si Bea Alonzo.

Ngayong unattached na pareho sina Gerald at Pia, hindi kaya ma-rekindle ang pagkakaibigan o pag-iibigan ng dalawa?  Parehong 30 years old sina Gerald at Pia and of marriage age na rin.