Pia may bago nang boyfriend

June 02, 2020
Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey
Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey

MATAPOS aminin ng  Fil-German 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ang kanilang break-up ng Filipino-Swiss car racer na si Marlon Stockinger nung December last year, kumpirmado na rin ang relasyon ng beauty queen-model-actress sa American model, businessman, social activist at editor-at-large sa Tatler Asia Magazine na si Jeremy Jauncey.  Ang dalawa ay nagkakilala sa London.

Ang admission ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon ay matutunghayan sa June 2020 issue ng Tatler Philippines Magazine.