Pia, Patricia sa fashion event ng rotary

October 06, 2019
Patricia Javier & Pia Wurtzbach
Patricia Javier with 2015 Miss U Pia Wurtzbach

ANG singer-actress-entrepreneur at kinatawan ng Pilipinas sa kauna-unahang Noble Queen of the Universe pageant na gaganapin sa Manila Hotel on December 1, 2019 na si Patricia Javier ay isa sa rumampa sa fund-raising event na “Fashion for Passion” golden anniversary ng Rotary Club of Cubao, Quezon City na ginanap sa grand  ballroom ng Novotel.

Si Patricia ay isa sa mga modelo ng fashion designer na si Don Cristobal.

Bukod kay Don, ang iba pang creations ng ibang fashion designers include Steph Tan (anak ng movie producer na si Robbie Tan), Albert Andrada, Jun Escario at JC Regalado.

Ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay tumanggap ng parangal bilang Ambassador for Humanity.

Ang Rotary Club of Cubao, Quezon City ay pinamumunuan bilang pangulo ni G. Enrique Salcedo.