Home>Entertainment>Showbiz>Pia pinuri matapos ‘di patulan ang kapatid

Pia pinuri matapos ‘di patulan ang kapatid

Pia Wurtzback
Pia Wurtzback with sister Sarah, mom Cheryll and Sarah’s childrem

MARAMI ang humanga sa 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa hindi nito pagpatol sa mga birada sa kanya ng kanyang nakababatang kapatid na si Sarah Alonzo Wurtzbach nung isang buwan. Sa halip ay nakiusap si Pia sa netizens na unawain na lamang daw ang kanyang kapatid na may pinagdadaanan ngayon.

Pia is in a relationship now with Beautiful Destinations CEO and businessman Jeremy Jauncey.

Bago si Jeremy ay naging kasintahan niya ang car racer na si Marlon Stockinger. Sandali rin niyang nakarelasyon si Dr. Mike Varshavski during her reign as Miss Universe in New York City, USA.

Before she competed in the 2015 Miss Universe in Las Vegas, Nevada, nagpadala sa kanya ng flower arrangement si dating Pangulong Noynoy Aquino as a sign of good luck.

Aicelle malapit nang manganak

KAPUSO singer-actress Aicelle Santos-Zambrano (35) is due to give birth to her and husband Mark Zambrano’s first baby next month. The couple is expecting a baby girl na itinuturing nilang best Christmas gift ever.

Aicelle is the first undefeated “Pinoy Pop Superstar” in 2006. GMA news reporter Mark Zambrano proposed to her in March 2018 before she left for London for her year-long participation in the UK/Ireland tour of “Miss Saigon” where she played the role of Gigi van Tranh, the same role portrayed in the West End and Broadway by singer-actress Rachel Anne Go now based in London with her American husband, Martin Spies.

On November 16, 2019, Aicelle and Mark had a garden wedding in El Jardin de Zaida in Batangas.

Hiling ni Vilma kay Luis matutupad na

KAHAPON, 67th birthday kahapon ng Star for All Seasons and lone district of Lipa, Batangas representative (2nd term) na si Vilma Santos-Recto, misis ni Sen. Ralph recto at ina nina Luis Santos Manzano (39) at Ryan Christian Santos Recto (24).

Sa kanyang kaarawan ay wala siyang ibang kahilingan kundi ang tuluyang pagkawala ng coronavirus (Covid-19) hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo at ang pagkakaroon ng apo sa kanyang panganay na anak (sa kanyang ex-husband na si Edu Manzano) na si Luis.

Although ayaw niyang pangunahan ang anak na si Luis, matagal-tagal na ring vocal si Cong. Vi na sana’y mag-asawa na ang kanyang eldest son para matupad na ang kanyang pagkakaroon ng apo. Luis has been in a long relationship with actress Jessy Mendiola.

May suspetsa kami na hihintayin lamang ni Luis na siya’y umabot ng 40 (in April 21) next year at dito lamang siya lalagay sa tahimik.

Between her two sons, mas gusto ni Vi na maunang mag-asawa si Luis who is 15 years older sa kanyang bunsong si Ryan.

Unang PBB sa ilalim ng new normal

SA buwang ito ng Nobyembre magsisimula ang 9th season ng Pinoy Big Brother: Connect with Toni Gonzaga still as the main host (since 2005).

Dahil sa pandemya, ongoing na ang online audition via live streaming app Kumu. Ang regular run ng PBB: Connect ay mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z at sa ibang digital platforms. Ito rin bale ang ika-limang edisyon kung saan ang mga aspiring housemates ay mapi-feature sa iba’t ibang batches mula sa teens hanggang adults. Ito rin bale ang unang edisyon sa gitna ng pandemya at itinuturing na `new normal’.

Ang huling season ng PBB, ang “Pinoy Big Brother: Otso” ay nagtapos nung August 4, 2019 kung saan si Yamyam Gucong ang tinanghal na big winner out of 58 housemates at tumagal ng 268 days sa loob ng bahay ni Kuya.

Si Yamyam na umabot lamang ng Grade V ay dating namasukang water delivery boy at house helper in Cebu para makatulong sa kanyang pamilya sa Inabanga, Bohol. Part ng kanyang cash prize ay kanyang ipinagpatayo ng bake show sa kanyang hometown na may pangalawa nang branch sa Ubay, Bohol.

Bago ang pandemya ay napapanood dati si Yamyam sa weekly sitcom ng ABS-CBN, ang “Home Sweetie Home: Extra Sweet,” isa sa mga programang nawala sa ere nang ibasura ng kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN in July 2020.

Ellie 9 years old na, Andi buntis uli

SA darating na November 23 ay magpa-nine years old na ang panganay na anak ng Siargao Island-based actress na si Andi Eigenmann na si Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann) sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito. More than one-year old naman ang kanyang second daughter na si Lilo sa kanyang present partner, ang surfer na si Philmar Alipayo habang ipinagbubuntis naman niya ang kanyang magiging third child, her second with Philmar.

Magmula nang magdesisyong mamirmihan una sa Baler, Aurora then sa Siargao Island si Andi ay in-embrace niya ang simpleng pamumuhay na gusto niyang mamana ng kanyang mga anak.

Andi is co-parenting her eldest daughter na si Ellie with Jake.

Donnalyn ipinakita ang isinauli ng ex

Donnalyn Bartolome
Donnalyn Bartolome

VIVA contract talent and internet sensation Donnalyn Bartolome shared on her Instagram account ang kanyang paga-unbox ng mga item na isinauli sa kanya ng ex-boyfriend whom she did not mention the name.

Ayon sa singer-actress, naging pribado umano ang kanyang lovelife dahil sa request na rin ng kanyang dating kasintahan na hindi taga-showbiz.

Bukod sa mga returned items ng kanyang ex ay may broken heart-shaped red cake din na ipinakita si Donnalyn na may over 5M subscribers sa kanyang YouTube channel.

Tumagal din ng anim na taon ang relasyon ni Donnalyn sa kanyang dating kasintahan.

Coco at Julia tahimik pa rin

HANGGANG ngayon ay tahimik pa rin ang relasyon ng “FPJ’s Ang Probinsyano” lead actor-director na si Coco Martin sa kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes (25).

Coco turned 39 last November 1 na nataon naman na hinahambalos ng bagong Rolly ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi naman nagpabaya si Julia ng pagpu-post ng isang jubilant photo ni Coco on his birthday.

Nagkapalagayan umano ng loob sina Coco at Julia nang kanilang gawin ang hit primetime TV series na “Walang Hanggang” in 2012 na tumagal hanggang 2014.

Sa pagkakaalam namin, nasa iisang subdivision nakatira sina Coco at Julia.

Jameson at Joao bida sa isang BL film

MUKHANG nauuso ngayon ang BL films. Ang pinakabagong sasabak sa ganitong genre ay ang 23-year-old na sina Jameson Blake at Joao Constancia sa pelikulang “My Lockdown Romance” na dinirek ni Bobby Bonifacio, Jr.

Ang Film-Am actor-dancer na si Jameson ay produkto ng Pinoy Big Brother:737 in 2015 bago ito sumabak sa pag-aartista at pagiging isang miyembro ng #Hashtags all-make dance group ng “It’s Showtime” habang si Joao naman ay miyembro ng BoybandPH in 2016 at ex-boyfriend ng dating Kapamilya na si Sue Ramirez.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger