Home>Entertainment>Showbiz>Pia tahimik lang sa isyu

Pia tahimik lang sa isyu

Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

SUNUD-sunod ang isyu tungkol kay Pia Wurtzbach.

Mula sa kontrobersyal na pagkaka-deklara ng kanyang pagiging Miss Universe noong 2015, mukhang naging kakambal na niya ang kontrobersiya hanggang ngayon. It only proves that she is still relevant. Kaya naman pinag-uusapan.

Kamakailan, kinumpara siya ni Miss Universe first runner-up 2015 na si Ariadna Gutierrez sa isang “ghost”. At hindi raw akalain ng Colombian beauty na mananalo si Pia. Gutierrez was mistakenly announced by host Steve Harvey at that time. Nakatatawa na limang taon na ang nakalipas pero may ganito pang usapin. Komento nga ng ilang pageant aficionados, bitter lang daw ang Latina beauty dahil si Pia ang nanalo. Maging si Miss Belgium-Universe Radost Todorova kampi kay Pia at sinabing deserved niya ang pagkapanalo.

Mukhang dedma lang si Pia sa isyung ito. Maging sa online rant ng kanyang sister na si Sarah Wurtzbach, tahimik din ang beauty queen. Nag-post ang kanyang kapatid sa Instagram stories nito na mabaho raw ang ugali ng beauty queen. Sarah revealed that she was abused by their mom Cheryl Alonzo Tyndall even calling her a “narcissist.” At hindi man lang daw siya sinuportahan ni Pia. Maging sa usapin sa pera nilabas din ni Sarah.

Matapos ang ilang araw na pinagpiyestahan ang gap ng magkapatid, biglang kambyo naman itong Sarah na okay na raw sila ni Pia ngayon. Aniya sa kanyang IG post, “stop hating Pia.”

Hindi rin nag-iisip ‘tong kapatid ni Pia kung ano ang epekto ng kanyang ginawa sa image ng huli. In fairness sa beauty queen, tumatahimik lang siya ‘pag may isyu tungkol sa kanya. She lets the issue die a natural death.

Pero, totoo nga kaya ang sinabi ni Sarah na mabaho ang ugali ni Pia? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal