Picure na magkasama sina Bea at John Lloyd nagpasaya

June 13, 2019
Bea Alonzo & John Lloyd Cruz

MARAMI ang natuwa nang makitang magkasama sa isang picture with a fan ang perennial screen partners (both on TV and movies) na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa El Nido, Palawan kamakailan lang. 

Hindi malinaw kung aksidente lamang nagkita ang (dating) magka-loveteam kasama ang kanilang respective partners (na sina Ellen Adarna at Gerald Anderson) o naroon  sila for a possible project.

Hindi ikinakaila ni Bea na nami-miss na niya ang kanyang favorite leading man na si John Lloyd na huli niyang nakatrabaho sa 2015 hit movie na “A Second Chance.”

Ang tandem nina John Lloyd at Bea ay isa sa pinaka-successful both on TV at sa pelikula.