Pikon na si Luis

January 27, 2020
Luis Manzano

LUIS Manzano is, no doubt, very outspoken.

He speaks his mind whenever he gets involved in a controversy. Diretso niyang ipinaliliwanag ang kanyang punto. But seemingly, he easily gets piqued of late.

Ito ang obserbasyon ng isang kasamahan sa panulat. "Patola ngayon si Luis, no?," aniya. Sa showbiz lingo, ibig sabihin ng "patola" ay mapagpatol. Nitong kasagsagan ng Taal Volcano eruption, na-bashed nang husto ang actor-host nang akusahan siya ng isang netizen na nago-overpricing daw siya sa N95 mask. Na kaagad namang sinagot ni Luis na yung price na yun ay yun na ang presyuhan bago pa ang nasabing kalamidad - 15 weeks ago, that is. His online store Lucky and Lulu sells the said item.

Isa pang ikinapikon ni Luis ay ang pag-aakusa sa kanya ng ilang citizen na "bitter" daw siya sa relief operations efforts ng kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin. Binigyan kasi ng masamang kulay ng isang netizen ang post niya na patutsada raw ito kay Angel. His tweet post reads:

"Gusto mo tumulong and post? Great job, gusto mo tumulong behind the scenes? Great job pa rin. But never invalidate help or someone just because it is not posted online."

Sa tono ng pananalita sa pagsagot ni Luis sa kanyang mga basher, obvious na pikon na siya. We can't blame him for some netizens have become so insensitive and harsh in expressing their thoughts. Pero dapat bang patulan ni Luis ang kanyang mga basher? Just asking..
    
Disclaimer:
For comments/reactions call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com