Via pinakabatang recording artist ng Viva

May 31, 2019

ANG 13-year-old na si Via Ortega marahil ang youngest recording artist ng Viva Records who recently launched her debut single na pinamagatang “Paghanga” penned by her fellow Viva artist na si Ruth Anna Mendoza.

Tatlong taong gulang pa lamang si Via (na bagong discovery ng colleague na si Mercy Lejarde) nang ito’y sumailalim ng voice workshop sa veteran composer and record producer na si Vehnee Saturno.  She also played the lead character ng isang school musical, ang “Fina and the Vitas”.  Hindi rin siya tumigil sa pagkuha ng ibang workshop tulad ng acting at dancing na kakailanganin niyang tool hindi lamang sa kanyang pinasok na singing and recording career kundi maging sa laranan ng pag-arte.

At 13, maraming pangarap si Via at kasama na rito ang makapagtapos sa kanyang pag-aaral.

“Kahit naman po pinasok ko na po ang singing at recording ay hindi ko po pinababayaan ang aking pag-aaral,” ani Via who’s now in Grade 8 sa St. Therera’s College.

“Ipinangako ko po sa parents ko na tatapusin ko po ang studies ko,” diin pa niya.

Via looks up  to Pop Star Sarah Geronimo, Nadine Lustre and Janine Tenoso as her singing inspirations.

Samantala, ang “Paghanga” ni Via ay nakalabas na ngayon sa Spotify, Apple Music at sa iba pang digital streaming platforms.