Pinoy Big Brother, extra challenge sa production team

January 02, 2019
Pinoy Big Brother Otso

SA tingin namin, mukhang wala nang gaanong nanonood sa Pinoy Big Brother Otso.

Hindi rin namin napapansin na mainit itong pinag-uusapan sa social media. Or maybe, only the millennials are really into it. Gayunman, hindi talaga siya trending topic dahil mukhang manipis ang engagement ng netizens ukol dito.

Sa totoo lang, nawala na ang novelty nito kumpara noong unang limang editions nito. Noon kasi nakaka-excite panoorin kung paano sila gumalaw sa mata ng publiko. Housemates then were more natural because they had no idea on what they were up to. Ngayon, halos inaarte na lang ang galaw nila sa loob ng Bahay ni Kuya. In short, mukhang scripted na ang bawat kilos nila. May kanya-kaniya na silang strategy kung paano sila "magpapakatotoo." Pero sa bandang huli, text votes pa rin ang magpapanalo sa kung sino ang may maraming fans. Popularity contest pa rin ito.

Sa kabuuan, walang bago sa show. Nababago lang ang sub-title (ngayon PBB Otso), house designs at mismong players. Pero 'yung activities at gimik, puro rehashed lang. Pinaghalo-halo ito na variety show, game show, drama, comedy at kung ano na lang maisip para maagaw ang atensyon ng viewers. Extra challenge ito para sa production at creative team ng show kung paano nila makumbinse ang viewers lalo na ang mga millenials para panoorin ang PBB Otso.

Sa panahon ngayon ng internet, kailangan pa bang ipalabas ang PBB sa TV o mas bagay na ito sa digital platform? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.