Home>Entertainment>Showbiz>Pinoy celebrities nanawagan para sa Rolly victims

Pinoy celebrities nanawagan para sa Rolly victims

Angel Locsin
Angel Locsin
Catriona Gray
Catriona Gray

ILANG Hollywood stars tulad nina Russell Crowe at Mark Ruffallo ang nanawagan ng tulong para sa mga sinalanta ng super typhoon Rolly sa Pilipinas. Hindi naman nagpabaya ang ilang Filipino celebrities tulad nina Angel Locsin, 2018 Miss Universe-turned singer-host na si Catriona Gray, ang actor, model at entrepreneur na si Enchong Dee at ang athlete-turned TV host na si Gretchen Ho sa panawagan ng tulong sa mga biktima ng bagyo laluna sa hardly-hit areas sa Bicol region.

Initially ay naglabas ang actress-philanthropist na si Angel Locsin (from her personal pocket) ng P1M para sa first 1,000 casualties ng bagyong Rolly na bibigyan niya ng P1,000 each habang patuloy ang kanyang panawagan ng tulong para sa mga hinagupit ng super typhoon.

Si Catriona na current ambassadress ng Philippine National Red Cross (PNRC)ay hindi rin nagpahuli ng panawagan sa publiko ng kahit na P100 pesos lamang, gayundin sina Enchong at Gretchen.

Likas na kay Angel ang pagiging matulungin noon pa man kaya siya napabilang sa 2019 Heroes of Philanthrophy list ng Forbes Asia Magazine.

Rabiya sinundan na sa Maynila ng boyfriend

Rabiya Mateo
Rabiya Mateo

SIX years na ang relasyon ng 2020 Miss Universe Philippines, ang Filipino-Indian na si Rabiya Mateo na isang licensed physical therapist sa kanyang boyfriend na isang nurse na si Neil Johnfel Salvacion. First boyfriend ni Rabiya si Neil na nakilala niya nung pareho pa silang estudyante sa Iloilo Doctor’s College.

Ang Iloilo beauty queen ay naka-base ngayon sa Maynila para gampanan ang kanyang year-long reign bilang Miss Universe Philippines. Thankful naman si Rabiya dahil part ng kanyang premyo ay isang apartment unit at isang brand new car na nagagamit na niya ngayon. Nag-relocate na rin sa Maynila ang kanyang nobyong si Neil para hindi sila magkalayo.

Since their college days ay naroon na umano ang pagiging supportive ni Neil kay Rabiya hanggang sa pagsali nito sa Miss Universe Philippines.

Speaking of Rabiya, hindi nito ikinakaila na big fan umano siya ng pop superstar na si Sarah Geronimo at paborito niya ang song ng misisni Mateo Guidicelli na “Paikot-Ikot”.

Naniniwala kami na singer din si Rabiya tulad ng 2018 Miss Universe na si Catriona Gray dahil sinasabayan nito ang pagkanta ng tatlong participants sa “Kantago” segment ng “It’s Showtime” kung saan siya ang naging celebrity guest nung nakaraang Lunes. Huhulaan ang celebrity singer sa tatlong participants.

Maganda siguro kung maigi-guest si Rabiya sa “ASAP Natin `To” at magkaroon sila ng production number ni Sarah para personal na makita at makilala ng beauty queen ang kanyang idolo.

Tali celebrates third birthday

BUKAS, araw ng Biyernes, November 6 ay third birthday ni Talitha Luna Sotto, four days away sa kaarawan naman ng kanyang inang si Pauleen Luna who is turning 32 on November 10.

Ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen ay ikinasal nung January 30, 2016. Isinilang naman si Tali (palayaw ni Talitha) nung November 6, 2017.

Si Tali ay bunso at panglimang anak ng veteran host-comedian at producer na si Vic. Ang apat niyang grown-up children ay sina Danica at Oyo (sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie), Vico (sa veteran actress na si Coney Reyes) at si Paulina (sa dating actress-host na si Angela Luz). Pito naman ang kanyang mga apo sa magkakapatid na Danica, Oyo at Paulina habang nananatiling single and unattached ang kanyang anak na si Vico, ang batang mayor ng Pasig City.

Baby Dahlia to spend first Christmas in Manila

EIGHT months old na ang baby ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelie na isinilang sa Australia nung March 2, 2020.

Anne and her family have been in Australia as early as December 2019 pero plano na nilang bumalik ng Pilipinas this December para rito mag-spend ng Christmas and New Year. This will also be Baby Dahlia’s first Christmas celebration.

Sa kanilang pagbabalik ay babalik na rin si Anne sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime” na sobra niyang nami-miss habang naghihintay naman ang kanyang home studio, ang Viva para simulan niya ang kanyang bagong movie project.

Samantala, hindi maikakaila ang pagiging carbon copy ni Baby Dhalia sa kanyang amang si Erwan. Hindi naman magiging problema ang playmate sa baby nina Anne at Erwan dahil nariyan ang kanyang cousin na si Thylane Katana Bolzico, ang first baby ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na two months older lamang kay Baby Dhalia na sinilang nung January 1, 2020.

Sheena at Jeron malapit nang maging parents

EXCITED na ang mag-asawang Atty. Jeron Manzanero at ang Kapuso actress na si Sheena Halili sa paglabas ng kanilang magiging unang baby sa susunod na buwan (December). The couple is expecting a daughter.

The couple got engaged nung August 26, 2018 at nagpakasal naman sila last February 23, 2020. In-announce ng mag-asawa ang pregnancy ni Sheena last June na sinundan ng gender reveal nung July.

Si Sheena ay Starstruck alumna habang si Jeron ay tumatayong city administrator ng Pasig City kung saan ang mayor si Vico Sotto.

Julia biglang natahimik sa lovelife

KUNG noon ay sobrang naging open si Julia Barretto sa kanyang lovelife, ngayon naman ay natuto na siyang itago ito sa publiko.

Habang aminado ang panganay ng estranged couple na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na masaya ngayon ang kanyang puso, ayaw niyang i-share kung sino ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso ngayon although ang hula ng marami ay si Gerald Anderson ito.

Kung matatandaan pa, naging controversial last year ang paghihiwalay noon ng dating magkasintahang Bea Alonzo at Gerald kung saan nadawit ang pangalan ni Julia. Dahil dito, naging discreet na ang young actress pagdating sa kanyang lovelife.

After fourteen years with ABS-CBN’s Star Magic, si Julia ay kamakailan lamang lumagda ng management contract with Viva Artists Agency.

Bagong talk show Kris ‘di na naman matutuloy

ANG inaasahang pagsasama sa isang online show nina Kris Aquino, Manay Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu ay hindi na matutuloy.

Magkakasama na ngayon sa isang online show sina Manay Lolit, Cristy at Mr. Fu at maayos na ang takbo ng kanilang programa without Kris. Bakit nga naman ito hahaluan pa ng isang Kris Aquino na may sariling demand?

Dapat siguro ay mag-focus na lamang si Kris sa sarili niyang online show na hindi nangangailangan ng ibang kasama para may control siya sa gusto niyang mangyari sa kanyang programa.

Ilang beses na ring naudlot ang pagbabalik-telebisyon ni Kris pero hindi matuluy-tuloy.

Bakit kaya?

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger