Pinoy celebs rumampa sa Tokyo filmfest

October 29, 2019
Bela Padilla

ANG mga actor na sina Bela Padilla, JC Santos, Pinky Amador, Mara Lopez at ang director-producer na si Paul Soriano ay ilan lamang sa showbiz personalities from the Philippines ang dumalo at lumakad sa red carpet premiere ng ika-32nd Tokyo International Film Festival  na nagsimula last Monday, October 28 at magtatapos on November 5, 2019 na ginaganap sa EX Theater Roppongi ng Roppongi Hills, Tokyo  Japan.

Si Bela Padilla ang pangunahing bituin sa pelikulang “Mananita” mula sa direksiyon ni Paul Soriano at kalahok sa main competition.  Kasali naman sa Asian Future Section ang horror film na “Motel Acacia” kung saan tampok si JC Santos.  Ito’y dinirek ng Philippine-based Malaysian director na si Bradley Liew in collaboration with Filipino producer na si Bianca Balbuena.  Tatlo namang Filipino films ang kasali  sa World Focus Section at kasama na rito ang “Mindanao” nina Judy Ann Santos at Allen Dizon mula sa direksiyon and production ni Brillante Mendoza, ang “Food Lore: Island of Dreams” na dinirek ni Erik Matti at ang “Kuwaresma” (The Entity) ay kasama naman sa Crosscut Asia Section kasama ang iba pang Philippine entries na “Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay” na dinirek ni Antoinette Jadaone (eight years after its original release), “The Halt” from Lav Diaz at “Untrue” na pinamahalaan naman ni Sigrid Bernardo.

Sina Pinky Amador at Mara Lopez ay tampok sa pelikulang “The Halt”.