Pinoy designers napansin sa miss Universe event

December 19, 2018
Mak Tumang
Mak Tumang

TATLONG expensive evening gowns ang dala ng 2018 Miss Universe na si Catriona Gray nang ito’y umalis last November 29 patungong Bangkok, Thailand for the Miss Universe competition at ang lahat ng ito’y gawa ng young fashion designer from Mexico, Pampanga na si Mak Tumang. Pero dalawa lamang sa mga ito ang naisuot ng bagong Filipina Miss Universe.

Dalawa sana ang isusuot ni Catriona sa preliminary competition at isa naman sa final competition pero ang isa ay hindi na naisuot nang pasuotin ang lahat ng 94 candidates ng mga Thai costume gawa ng mga local designers.  Ang naisuot lamang niya ay ang Ibong Adarna-inspired gown during the evening gown competition habang ang isa naman ay ang Mayon Volcano-inspired gown na suot naman niya sa coronation day nung nakaraang Lunes, December 17 kung saan siya (Catriona) tinanghal na 2018 Miss Universe.

Lumabas ang pagka-nationalistic ni Catriona at ng mga fashion designers na sina Mak Tumang at Jearson Demavivas na siya naman gumawa ng kanyang national costume respresenting Luzon, Visayas and Mindanao.

Inamin ni Mak na hindi umano bababa ng isang milyung piso ang halaga ng Mayon Volcano-inspired red gown na suot ni Catriona sa coronation day dahil na rin sa mga rhinestones na nagmula pa ng Austria.

Dahil sa mga international beauty pageants, hindi lamang ang mga contestant ang napapansin kundi maging ang mga wedding gown designs ng iba’t ibang fashion designers na nagmumula sa iba’t ibang bansa.  Sa case ni Catriona, angat ang disenyo ni Mak Tumang.