Pinoy moment

January 07, 2019
Alden Richards

Anak ng Cebuana, wagi sa Golden Globe Awards.

Kita ng MMFF 2018, umabot ng P1B.

... filmfest committee, ’di naglabas ng ranking at kita.

UMABOT na sa P1 billion ang total gross ng walong movies sa 2018 Metro Manila Film Festival as of January 6, ayon sa inilabas na statement ni Noel Ferrer, spokesperson ng MMFF.

Kahapon ang huling araw ng festival kaya puwede pang tumaas ang figures kahit na nga ilang araw ring umulan sa duration ng filmfest.

Wala namang inilabas na official standing at kinita ng walong entries dahil ’yung naglabasang figures, eh, hindi galing sa MMFF committee.

* * *

IPINAGMALAKI ng Hollywood actor na si Darren Criss na anak siya ng Pinay na mula sa Cebu City.

Nanalo si Criss ng Golden Globe Award sa kategoryang best performance by an actor in a limited series para sa pagganap bilang serial killer sa pelikulang The Assassination of Gianni Versace.

Sa speech ni Criss, dedicated ang award niya sa nanay niyang taga-Cebu:

“This has been a marvellous year for representation in Hollywood, and I’m so enormously proud to be a teeny-tiny part of that as the son of a firecracker Filipino woman,” pahayag ni Criss.

Ang tinukoy niyang ina ay si Cerina Criss.

Sa ibang awards, tinalo ni Glenn Close si Lady Gaga sa best actress habang nanalo naman si Rami Malek na lumabas bilang si Freddie Mercury, lead singer ng rock band na Queen, sa pelikulang Bohemian Rhapsody na nagwaging best picture.

* * *

UUNAHIN muna ni Alden Richards ang concerts sa abroad bago simulan ang bagong series sa second or third quarter ng 2019.

Gusto rin daw niyang gumawa ng pelikula na dark  ang character niya.

Nagpasalamat muli ang Pambansang Bae sa entertainment press last Sunday at nagpa-raffle ng cash prizes.

Eh, kahit wala pang konsepto ang gagawing series, umiingay ang hiling ng fans nila ni Maine Mendoza na silla ang magbida sa Pinoy version ng Korean war drama na Descendants of the Sun.

“I would love to do it. Drama rin naman ’yon. Gusto ko rin na si Maine ang kapareha pero wala pang final word ang GMA bosses tungkol dito. Gusto ko ’yon,” pahayag ni Alden.

Kung magkakaroon daw siya ng chance mamili ng kapareha, gusto rin niyang maging leading lady si Heart Evangelista na hindi pa niya nakakasama sa series.

Eh, ang best birthday gift na natanggap niya, ang pagkakaroon ng franchise ng isang global food chain na iniendorso rin niya.

Sa Biñan, Laguna ang location ng pinatayong food chain at Easter Sunday ang target opening day nito.