Piolo, Claudine magsasama muli

September 14, 2019
Piolo Pascual and Claudine Barretto
Piolo Pascual and Claudine Barretto

AFTER the  box office record-breaking movie of all time, ang “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema, ang reunion movie (after 15 years) naman nina Piolo Pascual at Claudine Barretto ang agad isusunod ni Direk Cathy bago ito mag-retire sa kanyang pagdidirek.  (Magre-retire ba talaga?--Ed.) The yet untitled movie ay nakatakda umanong kunan either sa France o sa Czech Republic in a couple of weeks from now.

In 2004, sina Piolo at Claudine ay nagtambal sa hit movie na “Milan” which was directed by Olivia Lamasan under Star Cinema. Si Olivia ang tumatayong managing director ngayon ng Star Cinema which was vacated by Malou Santos who already retired from her post.

Marami naman ang excited sa pagiging aktibong muli ni Claudine Barretto sa kanyang showbiz career.  Bukod sa gagawin niyang movie with Piolo and Direk Cathy under Star Cinema, may sisimulan rin siyang drama series sa kanyang original home studio, ang ABS-CBN, ang “Sa Pusod ng Dagat”.

Maganda siguro kung pagsasamahin sa isang teleserye o pelikula ang magtiyahing Claudine at Julia Barretto.

Samantala, nasa bakuran din ng Kapamilya network ang ex-husband ni Claudine na si Raymart Santiago na napapanood ngayon sa top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa tumatayong director ng serye. May isa pang serye si Raymart na hindi pa naipapalabas, ang “Starla” na pinagtatambalan nila ni Judy Ann Santos.