Home>Entertainment>Showbiz>Piolo, dedma kay BB

Piolo, dedma kay BB

Piolo PascualSentro na naman ng kontrobersiya ang premyadong aktor na si Piolo Pascual.

Ito ay matapos lumabas ang vlog ni BB Gandanghari na diumano’y naka-one night stand niya ang isang “Jonathan.” Bagaman hindi niya diretsahan tinukoy, usap-usapan ngayon na ang “Jonathan” na nabanggit ay si Piolo raw. Dahil na rin sa description at pangyayari na kanyang ibinahagi.

Taong 2001 pa raw ang nasabing eksena. Kaya marami ang nagtatanong kung bakit ngayon lang daw inilabas ni BB ang nasabing kuwento. Sabi nga ng isang kaibigang writer, sino naman daw ang maniniwala kay BB. Dagdag pa niya, “may sayad na ang baklang ‘yun. Wala na ‘yun sa tamang pag-iisip dahil ‘yun sa dami ng pills na nilaklak nun.”

Mas harsh ang comments ng ilang netizens. Ilan sa mga ito ay nagsasabing gusto lang daw bumalik sa showbiz itong si BB kaya nag-iingay. At nagpaparami lang daw ng views at subscribers sa kanyang You Tube channel.

Sa gitna ng ingay na nilikha nito, nanatiling tahimik pa rin itong si Piolo. Ganyan naman ang aktor, hindi siya sumasabay sa ingay. He knows his battle. Sa ilang beses ko nang na-interview ang aktor, hindi ko siya nakitaan ng kagaspangan ng ugali. Kahit tanungin mo siya ng maintrigang tanong, tanging ngiti lang ang isasagot niya sa ‘yo. He’s really well-mannered. Pinalaki kasi siya nang tama. And he’s really trying to live up to what a true Christian should be.

Unahan ko na kayo, hindi ako publicist ni Piolo para purihin at ipagtanggol siya. But amid this controversy, Piolo deserves our support against BB’s hallucination. May nagawa bang kasalanan si Piolo kay BB para siraan siya nito? Just asking…


Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, Malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon.

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Tonight