Home>Entertainment>Showbiz>Piolo, Maja lilipat ng GMA?

Piolo, Maja lilipat ng GMA?

Piolo Pascual
Piolo Pascual

HUNK actor-singer and film producer Piolo Pascual (44) has been with ABS-CBN since 1999 until he left the company in October 2020 to join “Sunday Noontime Live” (SNL) on TV5, isa sa mga programang produced ng businessman at dating politician na si Albee Benitez under his own Brightlight Productions.

Maja Salvador
Maja Salvador

Ang “Sunday Noontime Lime” ay katapat na programa na pinagmulan at kinabilangan ng actor for the longest time, ang top-rating at long-running Sunday musical show na “ASAP Natin `To” ng Kapamilya network.

Donny Pangilnan
Donny Pangilnan

Maraming netizens ang nagulat sa ginawang move ni Piolo na kahit wala na pangangalaga ng Star Magic (ang talent management arm ng ABS-CBN) ay siya pa rin ang kinu-consider na prized talent ng TV network until his departure in October last year. It was ABS-CBN who molded him to what he is now.

In fairness to ABS-CBN, wala ni isa man sa kanila ang nagsalita ng against sa ginawa ng singer-actor at nirespeto na lamang nila ang naging desisyon nito.

Although stable na ang tayo ni Piolo financially, nawala sa kanya ang tinatawag na utang na loob sa kumpanyang sumugal at nag-alaga sa kanya at sa kanyang career for almost three decades.

Bukod kay Piolo, ang ABS-CBN din ang sumugal at nag-build-up sa singer, actress at dancer na si Maja Salvador (32), gayundin din sa fast-rising actor na si Donny Pangilnan (22), anak ng mag-asawang Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

Ngayong tumagal lamang sa ere ng tatlong buwan ang SNL, paano sila ngayon?

Is moving to GMA a possibility?

Claudia signs up with Viva, open to different possibilities

Claudia Barretto
Claudia Barretto

ISA na ring contract talent ng Viva Artists Agency (VAA) ang nakababatang kapatid ni Julia Barretto, ang singer-songwriter na si Claudia Barretto, second daughter ng estranged couple na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na parehong dating talents ng nasabing kumpanya. Bukod kina Julia at Claudia, ang dating mag-asawa ay may isa pang anak na lalake, si Leon.

Although singing at songwriting ang priority ni Claudia, bukas na rin umano siya sa ibang posibilidad na pasukin din ang acting just like her elder sister na si Julia.

Hindi ikinakaila ni Claudia na may halong kaba but more of excitement at motivation ang kanyang nararamdaman ngayong nasa bakuran na siya ng Viva. She’s also open to work with her elder sister na si Julia in a film.

“Maganda siguro if it’s about sisterhood,” aniya.

Kung ang parents niya, her aunts (Gretchen and Claudine), cousin (Cholo Barretto) and sister ay acting ang naging entry point sa pagpasok sa showbiz, si Claudia naman ay sa pamamagitan ng kanyang pagiging singer-songwriter.

“Music will always be my passion,” pahayag niya. “I love singing and writing songs”.

Isa sa mga music influences ni Claudia ay ang 31-year-old American singer-songwriter na si Taylor Swift.

Ayon kay Claudia, she’s open umano sa different ideas and new things and even act on her own music video. Bukas din siya sa iba’t ibang music collaborations with other OPM artists including Moira de la Torre and KZ Tandingan at mga talents ng Viva.

Aminado si Claudia na baguhan pa lamang siya sa industriya at marami siyang kailangang matutunan but she’s willing to learn and explore laluna pagdating sa music.

Ngayong nasa bakuran na si Claudia ng Viva kung saan din kabilang ang kanyang amang si Dennis at kapatid na si Julia, posible kaya ang isang TV o movie project na pagsasamahan nila?

“That could be possible,” aniya.

What these actresses discover during Japan shoot

Ella Cruz, Meg Imperial, Jennifer Lee and Nathalie Hart
Ella Cruz, Meg Imperial, Jennifer Lee and Nathalie Hart

NAKAPAG-BOND nang husto ang apat na pangunahing bida ng action-comedy movie na “Steal” na sina Ella Cruz, Meg Imperial, Jennifer Lee at Nathalie Hart sa kanilang two-week shoot in Japan nung February 2020 bago ang pandemya. Nagkataon na wintertime, tiniis umano nila roon ang sobrang lamig at natuto umano silang maging independent at magtipid. Ang nasabing pelikulang ay mula sa direksiyon ni Bona Fajardo under BluArt Productions in cooperation with Viva Films.

Aminado rin ang apat na lead stars ng movie that it was their first time to shoot abroad at first time din nilang nagkatrabaho sa pelikula.

“Marami kaming discoveries sa isa’t isa,” pahayag ni Meg.

“Although magkakaiba ang mga personalities naming apat, nagkasundo kami kaagad,” dugtong naman ni Jennifer.

Being the youngest in the group, inamin naman ni Ella na nagkaroon umano siya ng instant Ates (older sisters) sa set.

Dahil wala silang kasamang chaperone o alalay, natutong maging independent ang apat kasama na rito ang pagmi-make-up, pagbubuhat ng kanilang mga sariling gamit at pagpi-prepare ng mga kailangan sa shooting. Magkakasama din umano silang naggu-grocery doon at naisingit din nila ang shopping at mapamamasyal sa ilang lugar sa Japan.

“We learned about their culture and being independent,” susog naman ng dating Starstruck alumna na si Nathalie, a single mom to a one-year-old daughter na si Penelope, courtesy of her ex-fiance, ang Indian real estate businessman na si Mayank Sharma.

Idinugtong pa ni Meg na wala umanong nagpa-prima donna at nagpa-star sa kanila habang nagsu-shoot sa Japan kaya naging smooth-sailing ang takbo ng shooting ng movie nila, ang “Steal” na nakatakdang ipalabas sa mga piling bukas na sinehan on January 22 at kasunod na rito ang Vivamax streaming platform ng Viva which will start its official launch on January 29.

Subscribe, like, share and hit the button of “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger