Pipirma!

December 28, 2018

PIPIRMA na sa GMA Network sa Lunes ang isang sikat na aktor. Blind item ito ni Arnold Clavio sa DZBB program niya kahapon ng umaga.

Si Derek Ramsay ang alam naming sikat na aktor na nagkaroon ng negotiations sa Kapuso network.

Sa huling Instagram post ni Derek, nagpahaging na siya sa scheduled final meeting niya kaugnay ng malaking pagbabago sa kanyang showbiz career.

Sa huling pag-uusap namin ng hunk actor, desidido na raw siyang mag-concentrate sa movies, sports at negosyo.

Hanggang sa dumating ang offer ng GMA para magtrabaho sa kanila. Nakiusap muna siya na kung magiging opisyal ang pagpirma niya, eh, January 2019 na ito gawin.

Abangers na lang tayo sa official announcement ng GMA at ni Derek sa pagpirma niya sa bago niyang network.