Home>Entertainment>Showbiz>Pokwang tinatanaw ang utang na loob sa ABS-CBN

Pokwang tinatanaw ang utang na loob sa ABS-CBN

Pokwang

ABS-CBN’s talent management Star Magic is letting go some (if not majority) of their contract artists/talents dahil sa pagkaka-deny ng bagong prangkisa ng ABS-CBN. Isa rito ang singer-comedienne na si Pokwang.

Malaki ang utang na loob ni Pokwang sa Kapamilya Network dahil ito ang nagbigay sa kanya ng magandang break kung nasaan man siya ngayon.  Pero nauunawaan naman niya ang naging move ng Star Magic na pakawalan siya at iba pang talents.

Thankful naman si Pokwang sa APT Entertainment at Archangel Productions dahil agad siya nabigyan ng panibagong trabaho sa newly-revived entertainment program ng TV5.

Si Pokwang ay araw-araw napapanood sa daily morning show na “Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy)” with Pauleen Luna at Ria Atayde (na isa ring Kapamilya talent) at sa game show na “Fill In The Bank” kasama si Jose Manalo.

Bago ang dalawang bagong programa ni Pokwang sa TV5 ay napanood muna siya sa “Eat Bulaga” sa well-followed segment na “Bawal Judgmental” produced ng TAPE, Inc. headed by Tony Tuviera na siya ring big boss ng APT Entertainment and Archangel Productions.

Si Pokwang ay in a relationship with American actor Lee O’Brian at meron na silang isang anak, si Francine Malia.  Ang panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae Subong ay anak niya sa isang Japanese national.

Kung hindi kami nagkakamali, si Pokwang ay malamang nasa pangangalaga na rin ng Triple A Management (ni G. Tuviera) na siya ring nangangalaga sa respective careers nina Marian Rivera, Maine Mendoza at iba pa.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger