Home>Entertainment>Showbiz>Pokwang wala nga bang utang na loob?

Pokwang wala nga bang utang na loob?

Pokwang

PokwangBUHAY na buhay ang career ni Pokwang ngayon.

Nag-shutdown man ang ABS-CBN dahil sa non-renewal ng prangkisa nito, tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ng Kapamilya comedienne. Kaliwa’t kanan ang show niya sa TV5.

Sa umaga, mapapanood siya sa Chika Besh kasama sina Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde. At game show naman na Fill in the Bank sa gabi; na kung saan kakulitan niya si Jose Manalo.

Dahildito, umani naman ng batikos ang komedyante sa kawalan raw nito ng utang na loob. Na isa raw siya sa unang lumundag habang lumulubog ang ABS-CBN. Ilang beses na rin ipinagtanggol ni Pokwang ang sarili. Gaya ng sabi niya, maraming umaasa sa kanya. At gaya ng ibang Kapamilya talent, pinayagan naman siya na rumaket sa ibang network.

Ngayon, muling isinusulong ang people’s initiative para sa prangkisa ng ABS-CBN. Kung sakaling makabalik ito sa ere, babalik pa rin ba si Pokwang sa network? Just asking…


Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Tonight