Political affiliation ni Piolo kinukuwestyon

July 09, 2020
Piolo Pascual

HOT item ngayon si Piolo Pascual.

Sunud-sunod ang pagti-trending ng aktor sa social media. Una, naglabasan ang meme patungkol sa kanya umano'y pagiging Pambansang Paliparan. Ito ay kaugnay sa panukalang batas ni House Deputy Speaker Paolo Duterte sa pagpapapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport. The presidential son has suggested that NAIA be renamed to Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas (PPP). Netizens in turn mockingly coined the acronym of PPP as PaPa P.

Pangalawa, ang diumano'y pag-ban sa kanya sa Sagada. Nitong July 6, pumutok ang balita na nagtungo sa Sagada si Direk Joyce Bernal at ang kanyang production crew, kasama si Piolo, para mag-shoot ng video na gagamitin sana sa State of the Nation Address (SONA) niPangulong Rodrigo Dutertengayong July 27. Ngunit hindi sila pinayagan ni Mayor James Pooten na tumuloy sa kanilang pakay. Dinahilan ang kalusugan ng kanyang constituents dahil hanggang ngayon wala pang naitatalang  Covid-19 case sa nasabing munisipyo

Sa nangyaring ito, umani ng batikos ang aktor mula sa mga kritiko ng administrayong Duterte. Kinuwestyun din nila ang loyalty nito sa ABS-CBN na kesyo tahimik daw ito dahil sa pagiging Duterte supporter nito. At hindi man lang daw magawang ipagtanggol ang network na nagpasikat sa kanya.

Sabi ng ilang bumabatikos sa kanya, nakaka-disappoint raw ang pagiging DDS niya. Anong masama dun? Wala na ba siyang karapatan para suportahan si Pangulong Duterte o kung sino man ang gusto niyang suportahan? Hindi ba nila naisip na ginagawa lang din niya ang responsibilidad niya bilang isang artist. Dahil dito, naungkat muli ang dating usapin sa diumano'y ginawang pagbabawal ng ABS-CBN kay Piolo sa pag-endorso kay Pangulong Duterte noong 2016 Presidential Elections. 

Huwag sanang masamain ang pagkakasali ng aktor sa SONA; lalo't production ito ng kanyang best friend at business partner na si Direk Joyce. Kabawasan na ba sa kanyang pagkatao o pagiging artista ang pagiging Duterte supporter niya? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, mangyaring makipag-ugnayan sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com