Politician husband ng aktres, patay sa aksidente

November 21, 2018
Lindsay Custodio and Julius Caesar Platon II
Lindsay Custodio and husband Julius Caesar Platon II

HINDI na kumpleto ang darating na  Pasko sa 40-year-old  singer-actress na si Lindsay Custodio dahil sa maagang pagpanaw ng kanyang mister, ang dating vice mayor ng Tanauan, Batangas na si Julius Caesar Platon II (43) last Monday, November 19, 2018 matapos itong atakehin sa puso habang nagmamaneho kaya ito na-aksidente.  Agad naisugod ang mister ni Lindsay sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang pero ito’y binawian ng buhay kinabukasan.  Ang mga labi ni Julius ay dinala kahapon, araw ng Martes, November 20 sa City Hall ng Tanauan, Batangas kung saan ito inalayan ng misa at necrological rites pero siya’y ibinalik sa Heritage Memorial Chapels in Taguig kung saan ang wake.

Si Julius ay nag-file last October ng kanyang kandidatura sa muling pagtakbo as vice mayor ng Tanauan para sa May 2019 mid-term elections.  Malamang na magkaroon ng substitution sa kanyang pamilya at iniisip ng marami na ang misis niyang si Lindsay ang papalit.

Ang mag-asawang Lindsay at Julius ay may dalawang anak, sina Sean (16) at Charisse (12).  Hindi na umabot ang mag-asawa  sa kanilang ika-18th wedding anniversary on December 10. The couple got married twice, una nung December 10, 2000 sa kanilang civil wedding rites in Tanauan, Batangas officiated by the late father of Julius na siyang mayor noon ng Tanauan na pinaslang nung May 7, 2001 ng hinihinalang mga NPA rebel, just more than four months after their wedding.  Ang church wedding naman nina Lindsay at Julius ay nangyari nine days later sa San Sebastian Church (Manila) on December 19, 2000 at ang wedding reception ay ginanap sa Manila Hotel.   Isa sa mga tumayong principal sponsors ay ang namayapang star-builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno, ang dating lady executive ng GMA na si Wilma Galvante at ang dating kongresista at negosyanteng si Mark Jimenez.

Si Lindsay ay nagsimula sa youth-oriented program ni Kuya Germs on GMA, ang “That’s Entertainment” in 1986 pero siya’y lumipat sa “Ang TV” ng ABS-CBN in 1992 kung saan sila unang nagkakilala ng kanyang mister.  On Julius’ 25th birthday ay nag-propose siya ng marriage kay Lindsay who was then 22.

Magmula nang ikasal sina Lindsay at Julius ay huminto na ang singer-actress sa kanyang showbiz career at nag-focus na sa pagiging full time wife and mother.  Pero naiispatan pa rin paminsan-minsan si Lindsay sa ilang showbiz functions kasama ang kanyang mister.

Dahil nagluluksa pa ngayon si Lindsay, hindi pa rin nito masabi ang kanyang mga plano in the future.