Pops and Martin magsasama sa US-Canadian concert tour

May 09, 2019
Martin Nievera and Pops Fernandez
Martin Nievera and Pops Fernandez

ESTRANGED couple Concert King and Queen Martin Nievera and Pops Fernandez had their last concert together in 2014  pa. Kaya ganoon na lamang ang saya and excitement ng kanilang followers nang malaman nila na magkakaroon ng series of shows (concert tour) ang dalawa sa Amerika at Canada sa darating na August and September.

Ang confirmed concert dates ay magsisimula on August 17 sa Thrasher Horne Center in Jacksonville, Florida na susundan ng August 18 sa Sandler Events Center in Virginia Beach.  On August 24 ay mapapanood ang dating couple sa Thunder Valley Casino in Sacramento, California.  Next stop is on September 1 sa M Casino in Las Vegas, Nevada and on September 6 sa Copernicus Theater in Chicago.  There are other concert dates pero naghihintay pa ng kumpirmasyon and to be announced later.

Umaasa rin ang mga loyal fans nina Martin at Pops na sana’y magkaroon din ng major concert ang dating mag-asawa either sa Big Dome (Araneta Coliseum) o di kaya sa MOA Arena. Maganda rin siguro kung magiging special guests ng dating couple ang kanilang panganay na anak na si Robin Nievera with his girlfriend na si Zia Quizon, anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa namayapang Comedy King na si Dolphy.

Ang  US and Canada reunion concert tour nina Pops at Martin  ay produced ng Big Slim Entertainment ni Susan Lim.

Samantala, bukod sa pagiging Concert Queen at pagiging concert producer under her own production, DSL Events and Production House, pinasok na rin ni Pops ang pagpu-produce ng pelikula sa pamamagitan ng “Feelinial” (feeling millennial) na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas at comedian na si Bayani Agbayani.  Ito’y mula sa direksiyon ng GMA resident director na si Rechie del Carmen.  The hilarious movie is going to be shown on June 19, 2019 with a premiere night scheduled on June 17.