Pops and Martin muling magsasama

June 08, 2019
Pops Fernandez and Martin Nievera

BUKOD sa pagpu-produce ng live concerts ng ibang singers and concert performers under her DSL Events and Production House (na kanyang minana sa kanyang inang si Dulce Lukban), pinasok na rin ng original Concert Queen na si Pops Fernandez ang pagpu-produce ng pelikula in co-production with Cignal Entertainment.  Ito’y sa pamamagitan ng comedy movie na “Feelennial (Feeling Millennial)” na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas at Bayani Agbayani mula sa direksiyon ng Kapuso resident director na si Rechie del Carmen.

Mukhang entertaining and movie dahil natawa kami sa trailer pa lamang ng pelikula na showing na sa mga sinehan simula sa June 19 with a red carpet premiere on June 17 sa SM Megamall.

Samantala, nakapag-production meeting na  si Pops with her ex-husband na si Martin Nievera sa  production team ng Big Slim Entertainment (ni Susan Lim) na may kinalaman sa kanilang reunion concert tour sa Amerika at Canada this August and September na pinamagatang “TwoGether Again 2019” na magsisimula sa The Palace Theatre in Los Angeles, California on August 10, 2019.  Ito bale ang balik-tambalan ng dating mag-asawa in years na matagal nang hindi nagsasama sa isang common concert stage.  Ang concert dates include August 9 in Seattle, August 16 sa Atlantic City, August 17 in Florida, August 18 sa Virginia Beach, August 22 sa Chumash Casino, August 24 sa Thunder Valley Casino, August 31 sa San Diego, California, on September 1 sa M Casino in Las Vegas, Nevada, September 6 sa Chicago, September 8 sa Morongo at kasunod na rito ang iba’t ibang lugar ng Canada.

Kahit matagal nang hiwalay sina Pops at Martin ay nananatiling close na magkaibigan ang dalawa dahil na rin sa kanilang two-grown up sons na sina Robin at Ram.  Close din kay Pops ang isa pang anak ni Martin sa ex-girlfriend nitong si Katrina Ojeda na si Santino.  On stage, mananatiling `loveteam’ ang former couple.