Pops and Martin muling magsasama dahil sa mga anak

May 03, 2019
Pops Fernandez and Martin Nievera
Pops Fernandez and Martin Nievera

MULING magsasama sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa series of concerts (tour) in the US at Canada sa darating na August and September 2019 billed as “Two-gether Again”  to be produced by NY Entourage Productions na pinamumunuan ng veteran concert producer na si Nancy Yang.

Bakit kaya hindi ito naisip ng mega concert producer na si Anna Puno ng Starmedia Entertainment?

Although hindi pa nagre-release ng concert dates ang NY Entourage Productions, ngayon pa lamang ay excited na ang fans ng tinaguriang Concert King and Queen ng Pilipinas.

Sa tuwing nakakausap namin ang dating mag-asawang Pops and Martin ay parati namin silang tinatanong kung kelan sila muling magsasama sa concert.

Kahit 16 years nang hiwalay ang dating mag-asawa, nananatiling the best of friends ang dalawa dahil na rin sa kanilang dalawang grown up sons na sina Robin and Ram. Close din sina Robin at Ram sa kanilang half-sibling na si Santino, anak ni Martin sa kanyang ex-girlfriend na si Katrina Ojeda (based in Las Vegas, Nevada)  na siyang naging sanhi ng paghihiwalay ng dating couple.

Samantala, bukod sa Amerika at Canada, looking forward din ang fans ng dalawa na sila’y muling mapanood sa concert stage sa Pilipinas either sa Araneta Coliseum o sa MOA Arena na hindi malayong mangyari.