Pops dating walang kumpiyansa sa sarili

July 08, 2019
Pops Fernandez

ALAM ba ninyo na ang yumaong Queen of Intrigues na si Inday Badiday or Ate Luds (Lourdes Jimenez-Carvajal in real life) ang nagbansag kay Pops Fernandez na Concert Queen?

Dahil sa mabilis na  pagpaimbulog nung `80s ni Ma. Cielito Lukban Fernandez na mas kilala ngayon as Pops Fernandez sa kasikatan hindi lamang sa recording, paggawa ng pelikula, pagiging popular TV host ng “Penthouse Live” kundi sa pagiging jampacked parati ng kanyang mga concerts sa Folk Arts Theater (FAT), Araneta Coliseum, ULTRA at maging sa Rizal Stadium, walang kumontra sa titulo na ibinigay sa kanya ni Ate Luds which she actually and rightfully deserves.

Although sikat na sikat na rin noon sina Gary Valenciano at Randy Santiago, bumulusok din ang kasikatan ng ex-husband ni Pops na si Martin Nievera bilang Concert King.

Pops was 16 when she signed up a recording contract with OctoArts ni Orly Ilacad.  But it was Pops’ ninong na si Senate President Tito Sotto who took notice of Pops’ talent bilang singer kaya ito nag-produce ng first single ni Pops na pinamagatang “Dito” na magkatulong na komposisyon nina Homer Flores at Jim Cosme.  Ang nasabing single ang kauna-unahang local record na nagkaroon ng music video directed by Bert de Leon.

Aminado si Pops na kahit siya ay walang kumpiyansa sa kanyang sarili nung umpisa dahil sobra siyang mahiyain pero ang kanyang mom, ang dating aktres na si Dulce Lukban ang nag-encourage sa kanya na i-pursue niya  ang pangarap niyang maging isang singer.

“That’s why I’m so thankful sa mom ko although nung umpisa ayaw ko talaga dahil sa pagiging sobrang mahiyain ko noon,” pagbabalik-tanaw ni Pops.

Pops and her ex-husband Martin Nievera are hosting the coronation night ng Miss Filipina International at Miss Filipina Teen sa darating na July 27 (Saturday) at 5 p.m. sa Redondo Beach Performing Arts Center sa Redondo Beach, California USA.

At pagkatapos nito ay malamang na tumuloy na ang dating couple sa kanilang reunion concert tour sa U.S. na pinamagatang “Two-gether 2019” na magsisimula on August 10 , Saturday at 8 p.m. sa Palace Theater ng Los Angeles, California na susundan sa Ocean Casino ng Atlantic City, NJ on August 16, sa Chumash Casino in Sta. Ynez, California on August 17, Thunder Valley Casino in Lincoln, California on August 24 at sa California Center for Arts sa Escondido, California on August 31 na kanila ipagpapatuloy sa M Casino in Las Vegas, Nevada on September 1, Copernicus Center in Chicago on Sepember 6 at Morogo Casino sa Cabazon, California on September 8 at saka naman sila tutuloy sa iba’t ibang lugar ng Canada.

Magiging special guest nina Pops at Martin sa kanilang US concert tour ang kanilang panganay na anak na si Robin.

Samantala, inamin ni Pops na ang pagiging isa niya sa mga 50 judges  sa American competition na “The World’s Best” (aside from the three main judges) mula sa iba’t ibang bansa na may kani-kanyang achievements in their respective fields was one experience she will not forget.  The judges become all friends at meron umano silang group chat na nabuo and they are in touch up to this time.