Pops at Martin, dalawang buwang magsasama

June 22, 2019
Martin Nievera & Pops Fernandez

BUKOD sa cast ng comedy film na “Feelennial (Feeling Millennial)” na pinangunahan ng Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas at actor-comedian na si Bayani Agbayani at ng director ng pelikula na si Rechie del Carmen, dumalo rin sa premiere night ng pelikula sa SM Megamal Cinema last Monday night (June 17)  ang concert queen  and newbie movie producer na si Pops Fernandez at bosses ng Cignal Entertainment, ang ex-husband ni Pops at Concert King na si Martin Nievera kasama ang dalawa nilang anak na sina Robin at Ram.

Naroon din ang business tycoon na si Manny Pangilinan ang businessman-politician na si dating Vigan, Ilocos Sur governor Chavit Singson, ang actor politician na si Dan Fernandez, actress Diana Zubiri, former actress at concert producer at mom ni Pops na si Dulce Lukban, Robin Nievera’s girlfriend na si Zia Quizon (daughter of Zsa Zsa Padilla with the late comedy king Dolphy) at iba pa.

Masayang-masaya ang lahat ng dumalo sa premiere night ng “Feelennial…” dahil lahat sila  ay nag-enjoy sa pelikula na first  team-up nina Ai-Ai at Bayani at movie directorial debut naman ni Direk Rechie.

Dahil sa magandang feedback ng pelikula, pinag-iisipan na ngayon ni Pops at ng Cignal Entertainment ang kanilang next movie venture.

Ngayong palabas na sa mga sinehan ang “Feelennial….,” haharapin naman ni Pops ang kanyang upcoming concert tour sa Amerika at Canada with her ex-hubby na si Martin Nievera na magsisimula sa Palace Theatre in Los Angeles, California on August 10 (Saturday) at 7 p.m.

Dalawang buwang magsasama sina Pops at Martin sa kanilang long over due reunion concert na pinamagatang “Two-gether Again 2019” na mangyayari sa buwan ng August and September this year.