Pops single, loveless but happy

June 16, 2019
Pops Fernandez

SINGLE and loveless man si Pops Fernandez sa kasalukuyan, hindi naman daw ito nangangahulugan that’s she’s not happy.

“I’m happy because of my family, my friends and the things I do,” diin niya.

Although she’s open with the idea of having a new partner in life, naniniwala siyang darating ito sa kanyang buhay kung talagang ukol pero hindi umano siya naghahanap.

Her separation from her ex-husband Martin Nievera has taught her a great lesson.  Pero ang nakakatuwa, the two remain good friends dahil na rin siguro sa kanilang two grown up sons na sina Robin at Ram.

Matagal nang tanggap ni Pops ang kanilang sitwasyon ng dati niyang mister, ang bagong nobya nito (not from showbiz) at ang isa pang anak ni Martin sa dati nitong girlfriend na si Katrina Ojeda na si Santino.  Si Katrina ang naging dahilan ng paghihiwalay bilang mag-asawa nina Pops at Martin but that too, is now water under the bridge.

“Matagal na tayong nakapag-move on,” she smiles.

Despite the separation bilang couple, nananatiling loveteam on stage ang dating mag-asawa.  Katunayan, inaabangan ng marami ang kanilang much-awaited concert tour sa Amerika at Canada ngayong August and September na siyang pagkakaabalahan ni Pops pagkatapos ng showing ng pelikulang “Feelennial (Feeling Millennial)” na magbubukas sa mga sinehan nationwide simula ngayong Miyerkules, June 19.

When the concert tour is over ay doon lamang siguro haharapin ni Pops ang kanyang next project bilang concert and movie producer.

“Sobrang nakakatawa,  entertaining at magi-enjoy kayo sa  “Feelennial….,” pagmamalaki ni Pops who looks forward to her next project as a producer.