PPP ng FDCP extended

September 20, 2019
Paolo Ballesteros, Christian Bables and Martin del Rosario
Paolo Ballesteros, Christian Bables and Martin del Rosario

MAY extension ang dapat na one-week run ng ikatlong  Pelikulang Pilipino (PPP) na nagsimula last September 13 at nagtapos nung September 19, 2019 kung saan sampung pelikulang kalahok ang kasali.  From among the ten entries, nanguna rito ang “The Panti Sisters” nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario na dinirek ni Jun Robles Lana, pumangalawa ang “Open” nina JC Santos at Arci Munoz na pinamahalaan ni Andoy Ranay, pumangatlo naman ang “Cuddle Weather” nina Sue Ramirez at RK Bagatsing na dinirek ni Rod Marmol.

Sa sampung pelikulang kalahok, umabot ng mahigit P100-M ang kinita sa takilya pero hindi maituturing na significant figure dahil out of the ten, more than 60% ng kinita nito ay sa “The Panti Sisters”.  Far numbers 2 & 3 naman ang kinita ng “Open” at “Cuddle Weather’ in its week-run.

At since hindi naman ganoon kalaki ang puhunan ng mga pelikulang kalahok, malamang na na-recoup ang puhunan ng ilan sa sampung entries. Gayunman, iba ang kaso ng mga pelikulang nasa tail-end ang performance sa takilya.

Sa 4th PPP, dapat  i-consider ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Lisa Dino na i-trim down ang sampung entries to six or seven entries lamang dahil sobrang napakarami ng sampung pelikula on a week-long filmfest na pumapatak pa sa panahon ng tag-ulan.  Malamang na mas malaki pa ang kinita ng pelikulang “Just A Stranger” nina Anne Curis at Marco Gumabao na dinirek ni Jason Paul Laxamana under Viva Films na tinanggihan ng screening committee ng PPP kumpara sa combined earnings ng sampung pelikulang kalahok.

Pero baka naman hahabol ito dahil sa ibinigay na extension ng mga sinehan.