Premiere night ng 'unforgettable,' dinumog

October 23, 2019
Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

KAHAPON, October 23 nagsimulang mapanood ang kaisa-isang pelikula  sa taong 2019 ng Popstar na si Sarah Geronimo, ang “Unforgettable” mula sa panulat at direksiyon ng award-winning partners na Jun Lana at Perci Intalan which was produced by The IdeaFirst Company for Viva Films.

Punumpuno ang Cinema 1 ng SM Megamall sa red carpet premiere ng pelikulang “Unforgettable” last Monday evening, October 21 na dinaluhan ng cast, directors, big bosses ng Viva na pinangunahan ni Boss Vic del Rosario at iba pang celebrities.

Tulad ng “Miss Granny” ni Sarah G. nung isang taon, napakaganda ng pagkakagawa ng “Unforgettable” na ang `leading  man’ ng Popstar ay walang iba kundi ang mabait at matalinong asong si Milo (Happy).

Napakahusay ng portrayal ni Sarah G. as Jasmine, ang mapagmahal at paboritong apo ng lola character na ginampanan ni Gina Pareño na napakahusay din sa pelikula. Lutang na lutang din ang pagiging mahusay na komedyana ang “Jowable” star na si Kim Molina. Markado naman ang cameo roles na ginampanan nina Regine Velasquez, Anne Curtis, Tirso Cruz III, Cherie Gil,  Marco Gumabao, Dennis Padilla at Empoy Marquez.  Marami rin ang na-in love sa asong si Milo (Happy).

Pang-general patronage ang pelikulang “Unforgettable” kaya pati mga bata ay mai-enjoy sa pelikula laluna ang mga dog lovers.  Nakakaiyak man pero very heartwarming ang kabubuan ng pelikula na tinampukan din nina Ara Mina, Meg Imperial, Yalo Aguila, Lander Vera Perez at iba pa. Lalabas kayo ng sinehan na magaan at masaya ang pakiramdam.