Prenup shoot

December 01, 2018
Aljur Abrenica and Kylie Padilla
Aljur Abrenica and Kylie Padilla

Finally ay ikakasal na sina Aljur Abrenica and Kylie Padilla! Ito ay ayon mismo sa Instagram post kahapon ng aktres kung saan ay inanunsyo niyang katatapos lamang nila ng prenup shoot.

Sa nasabing post ay makikita ang larawan nina Aljur at Kylie kasama ang production team ng prenup shoot.

“Thank you so much to this team we had our official prenup pictorial and video shoot yesterday and we are so happy with your works of art!!! Thanks guys. Kunin ko kayo sa mga future films and projects ko ah. Naks,” ang caption ni Kylie.

Nirepost naman ito ng ama ni Kylie na si Robin Padilla at ipinahayag ang kasiyahan sa nalalapit na kasal ng anak.

“Alhamdulillah! Praise God napakaganda ng aking umaga dahil sa post na ito @kylienicolepadilla Nasa iyo anak ko ang malalim kong paggalang at paghanga.

“Saludo ako sa pag-ibig at pagsuko mo sa magiging asawa mo. Masyado na akong nasasabik sa araw na aking pinakahihintay.

“Maraming salamat sa iyo o aming Nag isang Dios na lumikha AMEEN!” ang caption ni Robin.

Matatandaang the moment na nabuntis si Kylie kay Aljur ay talagang gustung-gusto na ni Binoe na ikasal ang dalawa’t matagal niyang hindi kinibo ang mga ito dahil dito.

Few months ago pa naging maugong ang tsikang ikakasal na nga sina Kylie at Aljur dahil umuwi pa dito sa Pinas ang ina niyang si Liezl Sicangco para personal na makilala ang aktor.

Bukod dito, matatandaan ding napabalita kamakailan na ipinakilala na rin ni Aljur si Kylie sa pamilya niya. That time ay may sitsit na ngang lumalabas na inaayos na ang kasal ng dalawa kaya nag-meet na ang pami-pamilya nila.

Napabalita ring November ang kasal ng dalawa via civil rites sa Bataan although wala namang kumpirmasyon kung totoo nga.

Anyway, wala pang inaanunsyong date ng kasal mismo sina Kylie and Aljur pero sa malas ay very soon na talaga.