Pribado

November 28, 2018
Jake Zyrus

Jake Zyrus, tumangging idetalye ang kasal sa GF.

Halatang masayang-masaya si Jake Zyrus nang dumalo kahapon sa mediacon ng charity music festival produced by Frontrow ni RS Francisco kung saan ay isa siya sa napakaraming performers.

As we all know, laman ng mga balita ngayon si Jake dahil engaged na siya sa girlfriend na si Shyre Aquino.

Kaya naman kahapon sa presscon ay ito ang itinanong sa kanya ng press.

Pero ani Jake, ayaw na niyang magbigay pa ng detalye dahil gusto niyang manatili naman ito na pribado sa parte ng buhay niya.

Buong pagkatao raw kasi niya ay nalantad na rin naman sa publiko.

“Of course, ’pag nandiyan naman ’yung wedding, malalaman naman, pero ’yung details, sa amin na lang.”

Aminado si Jake na talagang iba ang feeling ng engaged at dream come true raw talaga ito for him.

“Dream come true. Kasi, bata pa ako, I’ve always dreamt of having my own family and being with someone na hindi lang mahal ka, naiintindihan ka, sinusuportahan ka sa lahat ng bagay. Kumbaga, give and take, alam mo ’yun?

“Love is, of course, two-way street and that’s exactly what is happening in our relationship, so perfect. I mean, perfectly perfect talaga,” pahayag ni Jake.

Sure na sure na raw siyang si Shyre na ang babaing gusto niyang makasama habambuhay at sobrang happy raw siya ngayon.

Pero nilinaw niya na hindi mangyayari ang kasal this year.

Samantala, thankful si Jake na na-invite siya ni RS para sa napakalaking charitable musicfest na ito.

“I’m very excited but first of all, I just want to say thank you. This is really close to my heart because it’s always been a dream of mine to help other people and when they told me na -- of course, aside from the great show that’s going to happen -- ’yung reason why we’re doing it, that really captured my heart and of course, aside from singing, sabi ko nga, gusto ko talaga ’yung tumutulong, so thank you so much for this opportunity of putting me on the show and everything,” sabi ni Jake.

Bukod kay Jake ay kasama rin sa The Biggest Charity Music Festival of the Year ang iba pang big names sa music industry tulad nina Ely Buendia, Parokya Ni Edgar, Billy Crawford, Gloc 9, Callalily, Andrew E, Spongecola at marami pang iba.

Gaganapin ang musicfest sa Dec. 16 sa Mall of Asia Concert Grounds. Ang proceeds nito ay mapupunta sa 28 charitable institutions.

Kahapon sa presscon ay inanunsyo rin nina RS at Sam Versoza, founders ng Frontrow, ang latest venture nilang Frontrow Cares na naglalayong makatulong sa iba’t ibang charitable institutions at organizations gaya ng Anawim Home for the Abandoned Elderly sa Rodriguez, Rizal.