Prima Donnas stars bibida sa Wish Ko Lang!

July 08, 2020
Elijah Alejo
Elijah Alejo

KASAMA ang Prima Donnas stars na sina Elijah Alejo at Chanel Latorre sa mga bibida sa new episodes ng Wish Ko Lang na magbabalik-ere simula ngayong Sabado (July 11).

Ginagampanan ni Elijah si Brianna sa hit Afternoon Prime series na Prima Donnas habang si Chanel naman ay kilala sa serye bilang si Dindi, ang best friend ni Lilian played by Katrina Halili.

Bukod kay Elijah at Chanel, marami pang Kapuso stars ang dapat abangan sa public affairs program hosted by Vicky Morales. Balita namin, si Direk Sigrid Andrea Bernardo ang magdi-direk ng Wish Ko Lang episodes this month. Nakilala si Direk Sigrid sa mga pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita at Kita Kita.