Home>Entertainment>Showbiz>Prince Harry at Meghan lumipat sa California para maging film producers

Prince Harry at Meghan lumipat sa California para maging film producers

MATAPOS talikuran ng mag-asawang Prince Harry (turning 36 on September 15) at Meghan Markle (39) ang kanilang British royal duties nung nakaraang Marso, the couple moved to California, USA and settled in a $14-M mansion in an affluent area in Santa Barbara kasama ang kanilang more than one-year old son na si Archie Harrison Mountbatten – Windsor. Sa nasabi ring lugar nakatira ang dalawang TV stalwarts na sina Oprah Winfrey at Ellen DeGeneres.

Si Prince Harry at ang dating American actress na si Meghan ay ikinasal nung May 19, 2018 sa St. George’s Chapel at Windsor Castle in Berkshire, England. Isinilang naman ni Meghan ang kanilang first baby ni Prince Harry na si Archie nung May 6, 2019.

Prince Harry and Meghan MarkleJust very recently, muling gumawa ng balita ang mag-asawang Prince Harry at Meghan nang sila’y pumirma ng multi-million dollar deal with the world’s biggest streaming platform, ang Netflix with 190 million subscribers kung saan ipalalabas ang mga produced film, TV series, docu-series, children’s programming ng mag-asawa. Bukod sa Netflix, nakipag-meeting din ang royal couple sa Disney, Apple and NBC Universal for other projects. Pero klinaro ng “Suits” star na wala umano siyang planong balikan ang kanyang acting career.

Ayon sa mga insiders, aabot umano ng $150-M ang contract deal ng mag-asawa with Netflix.

Nagtayo na rin ang royal couple ng sarili nilang production company. Gusto ng mag-asawa na gumawa ng mga pelikula, TV series at documentaries na may kabuluhan at katuturan. Nagtatag din ang mag-asawa ng sarili nilang foundation na kanilang pinangalanang Archewell na hango sa pangalan ng kanilang anak na si Archie Harrison.

Ngayon pa lamang ay may multiple projects na ang mag-asawa under development na magbibigay pag-asa at inspirasyon sa mga manonood.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger