Priscilla gustong magbalik-showbiz

November 08, 2019

GUSTONG magbalik-showbiz ng dating ST (sex trip) star ng Seiko Films na si Abby Viduya aka Priscilla Almeda  matapos itong mawala sa eksena sa loob ng 15 taon.

Hindi ikinakaila ni Abby na sobra umano niyang na-miss ang showbiz kaya nag-desisyon siyang bumalik ng Pilipinas matapos niyang mamirmihan sa Alberta, Canada sa loob ng maraming taon.

Iniwan ni Abby ang kanyang tatlong anak sa Canada with her family habang muli siyang makikipagsalaran sa showbiz sa Pilipinas.  Her eldest Tippi is 17 na anak niya sa ibang guy habang ang
dalawa pang sina Amira (8) at Driggy (4) ay mga anak niya sa kanyang ex-partner in Canada.  Ayaw nang i-mention pa ni Abby ang pangalan ng kanyang ex-partners pero ang huli ay suportado umano ang dalawa niyang anak.

“Siguro kapag school break ay dadalaw sa Pilipinas ang mga anak ko o kung hindi man ay ako ang pupunta sa kanila. Ayoko kasing ma-interrupt ang pag-aaral ng mga bata sa Canada kaya doon muna sila,” pahayag ni Abby.