Private hangar

December 19, 2018
Catriona Gray with Chavit Singson
2018 Miss Universe Catriona Gray with Chavit Singson (PHOTO: Jessica Soho)

Franchise ng Miss U, nasungkit ni Chavit sa Bb. Pilipinas Charities?

BUMALIK na sa bansa kahapon ang bago nating Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. Ilang araw siyang mananatili sa ’Pinas bago lumipad papuntang New York City para simulan ang reign niya bilang Miss Universe.

Ang nakakagulat sa pagdating ni Catriona, sa hangar ng private plane na pag-aari ng dating governor ng Ilocos Sur na si  Chavit Singson siya sinalubong ng media.

Kalat na kalat na mawawala na sa Bb. Pilipinas Charities ang franchise ng Miss Universe at si Gov. Chavit na raw ang nakakuha ng franchise.

Wala pang opisyal na kumpirmasyon ang gobernador kaugnay ng balita.

Pero nang huling gawin sa bansa ang international beauty pageant, isa siya sa mga sponsor at nagpagamit pa nga ng private plane at yate niya.

Bukod doon, namasyal din sa Ilocos Sur ang mga kandidata para sa Miss U pictorials.