Producers, hinikayat na galingan ang entries sa 2019 Metro Manila Film Festival

February 17, 2019
Harlene Bautista

Harlene, pinaaagahan ang pag-anunsiyo sa filmfest nominees.

Sa ginanap na MMFF Appreciation Dinner at awarding ng prizes sa award-winning entries, ang production at ilan sa cast ng Rainbow’s Sunset lang ang aming  nakita.

Present sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Director Joel Lamangan at Heaven’s Best Entertainment Productions’ Harlene Bautista.

Mas maganda sana kung dumating ang ibang winners.

Sa nasabing event, pormal nang isinara ni MMDA Chair Danilo Lim ang 2018 MMFF at pormal ding binuksan ang 2019 MMFF.

Nanawagan si National Artist Bienvenido Lumbera sa mga producer na mas galingan ang entries sa 2019 MMFF.

In-announce rin na susuportahan ng MMFF ang Rainbow’s Sunset, which has advanced into the Worldfest Finals at nominated to receive a Remi Award sa kanyang category sa The 52nd Annual Worldfest-Houston.

The Remi Award level will be decided by the international jury during the festival in April.

In-announce rin ng MMFF spokesperson na si Noel Ferrer na April 1 (not later than 5 p.m.) ang deadline for submission of the letter of intent.

Sa May 31 naman ang submission of scripts and other required documents. Sa July 5 ang announcement of the four official script entries.

Sa July 22 ang submission of P500,000 bond. Sa July 30, deadline of submission of any revision on the screenplay of selected entries. Sa July 30 rin ang deadline for submission of final filmography.

Sa October 15 (not later than 5 p.m.) ang deadline for submission of finished film including official trailer/clippings/behind the scenes based on the script entries.

May suggestion si Harlene kung pwedeng sa first day ng MMFF, ilabas na ang list of nominees dahil malaki ang maitutulong sa box-office.

Sayang daw ang three days na nawawala sa movies na may nominations sa different categories.