Proyektong Alden-Kris, may script na

January 03, 2019
Kris Aquino
Kris Aquino

“Naudlot na sister-in-law” ang tawag ni Kris Aquino kay Harlene Bautista dahil hindi nga sila nagkatuluyan ng brother ni Harlene na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Pero kahit hindi happy ang ending nina Herbert at Kris, nanatiling friends sina Kris at Harlene.

Ang friendship na na-develop kina Kris at Harlene ang isa sa mga rason kung bakit may pa-block screening si Kris sa MMFF entry na Rainbow’s Sunset na produced ng Heavan’s Best Entertainment production ni Harlene.

Imbitado ni Kris si Harlene sa block screening bukas, paano kaya ’pag dumating ito kasama si Herbert?

Bukas ang pa-block screening ni Kris sa Rainbow’s Sunset, mauuna lang ang pa-block screening niya sa One Great Love bilang suporta kina Kim Chiu at Miles Ocampo.

Si Bimby, nagpa-block screening sa Mary, Marry Me bilang suporta kina Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga.

Para iwas-intriga, tinawagan ni Kris si Biboy Arboleda kung puwede siyang magpa-block screening ng Jack Em Popoy at tinawagan ni Bimby si Vice Ganda for the same reason.

Pinanood din ni Kris ang Aurora ni Anne Curtis hindi lang suporta niya kay Anne kundi dahil din sa favorite niya ang horror.

Sa January 6 aalis si Kris para sa follow-up medical evaluation niya at two weeks siyang mawawala.         

Sa kanyang pagbabalik, umaasa siyang kakayanin na niyang magtrabaho dahil ang dami niyang nakabitin na proyekto.

Kabilang sa commitment ni Kris ang movie sa iflix, may gagawin din siyang TV show sa iflix at gustong ituloy ang movie nila ni Alden Richards to be directed by Adolf Alix Jr.

May sinabmit na raw na script si Direk Adolf na kanyang nagustuhan.