Pukpukan!

December 26, 2018
2018 Metro Manila Film Festival

Produ na dedma sa print media, nilangaw ang pelikula!

UNCONFIRMED ang reports na naglabasan kahapon sa standing sa box office ng walong pelikulang nagbukas nu’ng araw ng Pasko bilang simula ng 2018 Metro Manila Film Festival.

Hanggang walang opisyal na resultang galing sa Metro Manila Film Festival Committee, galing sa  unreliable sources ang ranking sa box office ng walong entries, huh!

Ayon sa news reports, nakatakdang maglabas ang MMFF ng standings ng apat na movies na nangunguna sa takilya sa mga susunod na araw.

Gamit na gamit din ang social media sa paandar ng mga kampo na either bahagi ng produksyon o followers ng cast ng entry.

Bakbakan sa Twitter ang capsule reviews, fotos ng mga pila sa sinehan at tweets na sold out na ang screenings sa lahat ng sinehang pinagtatanghalan ng pinapaborang entry.

Tulad ng inaasahan, nag-uunahan sa box office ang Jack Em Popoy at Fantastica.

May kanya-kanya ring reviews ang ilang press na nakapanood na ng ilang entries.

Meron namang hindi natagalan ang pinanood na entry at meron ding nagpasaring na dahil dedma ang isang produ sa print media, hayun at nilangaw sa takilya ang prinodyus na pelikula, huh!

Ang bongga lang ngayong MMFF, aba, nadagdagan ang festival pass na pinamigay nila sa entertainment press, huh!

Hindi naman ito kagaya ng dati na umaapaw talaga ang festival passes but at least, welcome change na from two pieces, eh, may dagdag na ngayon.

* * *

DAMDANG-DAMA kay Luis Manzano ang pagmamahal  sa girlfriend na si Jessy Mendiola dahil sa festival entry nitong The Girl in the Orange Dress.

Kinakalap talaga ni Luis ang mini-reviews ng movie ni Jessy at masipag niya itong pinu-post sa kanyang sariling social media account, huh!

Siyempre, feeling proud ang TV host-actor sa positibong reviews sa GF sa unang sabak nito sa film festival.

Bahagi rin ng pelikula si Luis bilang guest kaya ganado rin siyang ipagmalaki ang buong movie na produced ng Quantum Films.