Purnada

November 29, 2018
Gerald Anderson

Gerald, nalilihis ng prayoridad.

NAPURNADA ang pagiging scorer of the game ni Gerald Anderson nang talunin ang Marikina team niya ng Parañaque sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) last Wednesday sa Parañaque Gym.

Para sa mga nakapanood, best game ni Gerald ang ipinakita niya at gumawa pa siya ng record sa pagkakaroon ng mataas na score (20 points ba?) na career nigh.

Panay nga ang sigawan ng tao kapag nakaka-shoot ang Kapamilya actor.

Eh, ayon sa sports commentator, may talino sa basketball si Gerald, team player at hindi suwapang sa bola, huh!

Hindi lang pag-shoot ang alam niya kundi maging assist, steal at rebound.

No wonder, enjoy na enjoy sa paglalaro ng basketball ang aktor at tila nawala muna ang prayoridad niya sa pag-arte.