Pussycat Dolls, pinostpone ang concert sa MOA Arena

April 09, 2020
Pussycat Dolls

GAYA ng ibang foreign acts na nag-postpone o nag-cancel ng performance sa ‘Pinas, inanunsiyo ng American girl group na Pussycat na ‘di tuloy ang kanilang concert na naka-schedule sana dito sa Mayo dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa inilabas na tour advisory ng Wilbros Live, sinabi ng grupo na, “To ensure the public’s health and safety due to the COVID-19 pandemic, the Pussycat Dolls concert in Manila on May 9 at the Mall of Asia Arena will be postponed and the new date will be announced soon.

“Your concert tickets will still be valid on the new date so please hold on to it. Thank you for your patience and understanding.

“Take care and please stay safe!”

Ang Pussycat Dolls ang ‘90s group na nagpasikat sa mga awiting “Don’t Cha,” “Stickwitu,” “Buttons,” “I Hate this Part,” “Jai Ho! (You Are My Everything)” at marami pang iba.

Ito ay pinangungunahan ng Fil-Am singer na si Nicole Scherzinger kasama sina Kimberly Wyatt, Jessica Sutta, Ashley Roberts at Carmit Bachar.