Queen of Jazz namayapa na

March 06, 2019

MATAPOS ma-stroke nung 2017, naging labas-masok na ng pagamutan ang tinaguriang Queen of Jazz na si Annie Brazil, ina ng mga singer-actor na sina Richard Merk, Rachel Ann Wolfe, Ronnel Wolfe (na naging member ng dance group na Octo Maneuvres at ang Quamo Band) at ang bunsong si Raffy.

Nung gabi ng Martes, March 5 ay tuluyan nang namaalam si Tita Annie at the age of 85 dahil sa pneumonia at kumplikasyon.

For sometime ay naka-base si Tita Annie sa New York City kung saan naroon ang anak niyang si Rachel kasama ang pamilya nito.  Si Rachel ay singer at dating beauty queen-actress-host bago ito namirmihan sa New York with her own family.  She is married to an American-Italian na si John Charles Spitaletta kung kanino siya may dalawang anak na parehong lalaki, sina Trevor at Luke.  Ang kanyang eldest na si Maxwell ay anak niya sa kanyang first husband na isang Filipino-American doctor.

Kamakailan lamang ay dumating sa Maynila si Rachel to visit her ailing mom at nagkaroon pa siya ng pagkakataon na dumalo sa  reunion ng mga dati niyang mga kasamahan na naging co-host ng “GMA Supershow” ng namayapang Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Ang mga labi ni Tita Annie ay kasalukuyang naka-burol sa Premier 1 Room ng  Loyola Memorial Chapels in Guadalupe, Makati City until Friday, March 8 and will be cremated on Saturday morning, March 9.  Dumating si Rachel Anne from New York kahapon ng umaga, March 6 habang si Richard ay may sakit din na dumating sa burol ng naka-wheelchair.