Quezon's Game pinalakpakan

June 06, 2019
Raymond Bagatsing and Rachel Alejandro
Raymond Bagatsing and Rachel Alejandro

NAGPALAKPAKAN ang mga nanood ng Quezon's Game nang manood kami noong Martes sa Gateway cinemas.

Maayos ang pagkakagawa ng pelikula, pero ayon sa isang review (na isinulat mismo ng apo ni Presidente Manuel L. Quezon), hindi ito dapat panoorin kung gusto nating malaman ang tunay na kasaysayan. Gayunman, tulad ng reviewer, na-entertain kami ng pelikula tulad din nang manood kami ng Heneral Luna na tinampukan ni John Arcilla at dinirek ni Jerrold Tarog noong 2015. Mahusay ang pagkakagawa ng direktor na si Matthew Rosen at ang paglalarawan ni Raymond Bagatsing bilang MLQ.

Isa itong ensemble acting at halos lahat ng mga aktor dito ay mahusay na nai-deliver ang kanilang karakter, mula kay Bagatsing, hanggang sa mga kasama niya tulad ni Rachel Alejandro (Aurora Quezon), David Bianco (Dwight Eisenhower), James Paoleli (Paul Mcnutt), Tony Ahn (Herbert Frieder) at Kate Alejandrino (Baby Quezon).

It may not be as big as Schindler's List ni Steven Spielberg, considering the limited budget, but Quezon's Game has delivered a loud message about being a Filipino. Tulad sa mga naunang pelikulang ibinase sa kasaysayan, muling nahaging ang pangalan ni Emilio Aguinaldo sa isang negatibong paglalarawan, at dahil mas maraming beses na itong nakita at narinig sa pelikula ma't sulatin, gusto na naming maniwala na ito'y may bahid ng katotohanan. Sabagay, marami pa ring mga 'Emilio Aguinaldo' sa paligid kahit na sa pang-araw-araw na buhay natin.

Back to Quezon's Game, medyo nailang lang kami sa ilang pagkakataon na nagli-lisp si Bagatsing (is there something wrong with his dentures?) na hindi niya lubos na ma-pronounce ang isang salita lalo na kapag may letter S sa dulo. But his great acting covered up for his very minimal setback.

At gusto na rin naming palampasin ang nailarawan na ang tinaguriang Ama ng Wikang Pilipino (MLQ) ay mas madalas nagsasalita ng English at Spanish. After all, kung anuman ang mga nagawa niya para sa ating bansa ay isang malaking karangalan lalo na para sa isang taga-Quezon (province) tulad namin.

Kung sasaliksikin pang mabuti, maganda ring materyal na pampeilikua ang buhay at kamatayan ni Aurora Quezon. Sayang nga lamang at nagamit na ang titulong Aurora sa isang pelikulang walang masyadong kabuluhan.