Home>Entertainment>Showbiz>Rabiya Mateo troubled queen

Rabiya Mateo troubled queen

Rabiya Mateo
Rabiya Mateo

RABIYA Mateo is the woman of the hour.

The Ilongga beauty just clinched the crown and title of Miss Universe Philippines 2020 last October 25. Pero nabalutan ng kontrobersiya ang kanyang pagkapanalo. Naging usap-usapan na ibinigay raw sa kanya in advance ‘yung final question. Dahil dito nalagay sa alanganin ang kredibilidad ng MUP Organization ni Shamcey Supsup-Lee. Nadamay rin ang mga hurado.

Mukhang mahirap paniwalaan ang ganitong akusasyon. Una, bilang independent franchise, hindi hahayaan ng MUP na masira agad ang kanilang kredibilidad.

Pangalawa, mataas ang kredibilidad ng mga hurado at tiyak na hindi rin nila papayagang madungisan ang kanilang mga pangalan. Gaya na lamang ni Jackie Aquino na isang topnotch event at fashion director. Isa rin sa mga hurado ay si Presidential Spokesperson Harry Roque, na tiyak ding aalma sa anumang anomalya kung meron man. Sa kabila nito, dapat din imbestigahan ng organizer kung saan nanggaling at paano nagsimula ang ganitong akusasyon at maparusahan kung may nagkalat ng di magandang tsismis.

But as far as Rabiya is concerned, she is every inch a beauty queen. She is really a fresh of breath air in the beauty pageant arena. Advantage sa kanya ito dahil unique ang kanyang aura at beauty. Kaya ‘di malayo na manalo rin siya bilang Miss Universe 2020.

Si Rabina na kaya ang magiging panlimang Pinay na Miss Universe? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal