Rachelle Ann balik-’Pinas, nakipagbonding kay Sarah G

January 14, 2020
Sarah Geronimo and Rachelle Ann Go
Sarah Geronimo and Rachelle Ann Go

KASALUKUYANG nasa bansa ang West End award-winning stage singer-actress na si Rachelle Ann Go for a much-needed vacation at para na rin sa kanyang “The Homecoming” concert on February 14 at 8 p.m. sa Marriott Grand Ballroom. Dumalo rin siya sa pagbibigay sa kanya ng star sa Eastwood Stars Walk of Fame in Quezon City na isa sa mga pet projects ng namayapang star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Nagkaroon din ng chance si Rachelle Ann na muling maka-bonding ang kanyang closest friends in showbiz na sina Sarah Geronimo, Erik Santos at Yeng Constantino.

Natutuwa si Rachelle Ann  sa engagement nina Sarah at ng actor, athlete at entrepreneur na si Matteo Guidicelli na nabalitaan na niya when she was in London.

Si Rachelle Ann ay ikinasal sa kanyang American husband na si Martin Spies nung April 18, 2018 sa pamamagitan ng isang beach wedding sa Shangri-La Resort in Boracay na dinaluhan din ng kanyang mga kaibigang sina Sarah, Mark Bautista at Erik Santos.

Whenever Rachelle Ann is in town, hindi kumpleto ang kanyang bakasyon kung hindi sila nagkikita-kita ng kanyang mga kaibigan sa entertainment business.

After her February concert ay muli siyang babalik sa London para muling gampanan ang role ni “Fantine”  sa  West End edition ng “Les Miserables”.

Huling napanood si Rachelle Ann sa “Hamilton” where she played the role of Elizabeth Schuyler na siyang nagpapanalo sa kanya ng Best Actress sa 2018 Broadway World UK.

Napag-alaman namin na nag-relocate na rin sa London from New York ang kanyang American husband na si Martin Spies para hindi sila magkalayo.