Rafa ayaw sumandal sa pamilya

November 13, 2018

ANG bunso sa dalawang  anak ng mag-asawang Carlitos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza na si Rafael ‘Rafa’ Siguion-Reyna ang pinakabagong karagdagan sa stable of stars and talents ng Viva Artists Agency (VAA) na pinamumunuan ni Veronique del Rosario-Corpus matapos itong lumagda ng exclusive management contract with the said outfit kahapon ng hapon, November 13.

Si Rafa ay nagtapos ng kolehiyo sa New York University, New York, USA kung saan din nag-aral ng filmmaking ang kanyang amang si Direk Carlitos pero sinundan nito ang yapak sa pag-arte at pagkanta ng kanyang lola na si Armida Siguion-Reyna, ang kanyang inang si Bibeth Orteza maging ng kanyang pinsan na si Cris Villongco, anak ng sister ng kanyang amang si Carlitos na si Monique.

Although nagmula si Rafa sa isang royal showbiz family, gusto niyang makilala nang husto hindi bilang apo ni Armida o anak nina Direk Carlitos at Bibeth kundi dahil sa sarili niyang talent at pagsisikap as an actor.

Bukas pa rin si Rafa na ipagpatuloy ang kanyang modeling career kahit mas visible na siya ngayon sa kanyang acting career hindi lamang sa stage kundi maging sa TV at pelikula.

Si Rafa ay huling napanood sa TV series ng Kapuso Network na “Kambal, Karibal” at sa pelikulang “Historiographika Errata” in 2017.  He also did “Hari ng Tondo” in 2014 which was directed by his dad.  Kasama rin siya sa pelikulang “Abot Kamay na Pangarap” ni Maricel Soriano na dinirek din ng kanyang ama.  Ang una niyang TV series ay ang “Rhodora X” in 2014 under GMA na tinampukan nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Mark Herras.  Sa tulong ng Viva, umaasa si Rafa na magtutuluy-tuloy ang kanyang career bilang actor.